Ang eSIM ay isang naka-embed na SIM card na available sa eSIM capable na mga device. Nagbibigay ito ng mas smart at mas kumbinyenteng paraan para manatiling konektado sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa iyong mag-download ng mga data pack nang direkta sa iyong telepono.. Hindi na kailangang maghanap ng mga SIM card. Hindi na kailangang mag-alala tungkol sa pagkawala ng iyong orihinal na SIM card! Mahalagang tandaan na gagana lang ang mga eSIM sa eSIM compatible at network unlocked na mga device. Para magarantiya na magagamit mo ang mga eSIM plan sa iyong device, puwede mong tingnan ang aming listahan ng mga device na compatible sa eSIM, o puwede kang dumiretso sa mga setting ng iyong device para ma-verify ang kakayahan nito sa eSIM: Paano malalaman kung eSIM compatible at carrier unlocked ang iOS device ko? Paano malalaman kung sinusuportahan ng Android device ko ang eSIM? Kung puwedeng magamit ang device mo gamit ang mga eSIM, kailangan mo lang kumuha ng eSIM plan mula sa Airalo para ma-enjoy mo nang husto ang iyong device!
Kung may mga tanong ka, huwag mag-atubiling kontakin ang support.