Si Abraham Burak, co-founder, at COO ng Airalo, ay isang Canadian na negosyante. Isang abogado ayon sa pagsasanay at isang bricoleur sa puso, ang propesyonal na buhay ni Abraham ang koneksyon sa academia at business management.
Bago huminto sa kaniyang Ph.D. at pagpokus ng kaniyang gawa nang buong panahon sa pagbuo sa Airalo, naglingkod si Abraham bilang legal at business consultant. Dinala siya ng kaniyang entrepreneurial journey sa iba't ibang sektor tulad ng maritime, wealth management, at mga legal na serbisyo, na tumagal nang higit sa isang dekada.
Kapag hindi kasama sa cutting-edge work ng Airalo, ginugugol ni Abraham ang karamihan ng kaniyang panahon sa pagboboluntaryo sa mga non-profit na organisasyon na kabilang ang pagbibigay ng mga libreng serbisyo, pagpapalakas sa mga komunidad sa pamamagitan ng pagsasanay sa trabaho, at pagbibigay ng payo para sa mga kabataang adulto sa kanilang academic at employment na kinabukasan.
Tinanggap ni Abraham ang kaniyang bachelor of law sa Fudan University sa China; nag-aral ng international law sa University of Geneva sa Switzerland at sa The Hague Academy of International Law sa Netherlands, nakatapos ng graduate program sa Hebrew University of Jerusalem sa Israel, may master’s degree mula sa University of Chicago sa U.S. at nakakuha ng Juris Doctor degree sa University of Ottawa sa Canada.
Gustung-gusto ni Abraham ang woodworking bilang pampalipas ng oras at kasalukuyang nag-aaral ng clarinet at nagsisikap na makabuo ng personal tone sa jazz at Balkan music. Nakatira siya sa Toronto, Canada.