Welcom sa referral program ng Airalo! Ang layunin namin ay magbigay ng global connectivity sa mundo sa pamamagitan ng mga eSIM.
Kapag nag-refer ka ng mga kaibigan sa app, gusto naming may matatanggap ka, at may matatanggap ang mga kaibigan mo!
Walang talo!
Kapag nag-sign up ang mga kaibigan para sa Airalo gamit ang referral code mo, makakakuha ka ng USD $3.00 sa Airmoney kapag bumili sila sa unang pagkakataon — makakakuha ng USD $3.00 discount ang mga kaibigan mo, o katumbas na halaga sa kanilang piniling currency.
In-app na currency ng Airalo ang Airmoney at puwedeng gamitin para sa susunod mong eSIM, top-up, o pagbili.
Pakitiyak na up-to-date ang app.
Pumunta sa seksyong "Mag-refer at Kumita" sa iyong profile at kunin ang natatanging referral code mo (Halimbawa: MARK801).
Sabihin sa mga kaibigan mo ang tungkol sa Airalo at ibahagi ang magic ng teknolohiya ng eSIM sa kanila. Ibahagi ang iyong referral code sa pamamagitan ng social media, email, o direktang mensahe.
Makakakuha sila ng USD $3.00 off sa kanilang unang pagbili ng eSIM kapag ginamit nila ang iyong referral code kapag nag-sign up sila o sa checkout.
Makakuha ng USD $3.00 Airmoney credit kapag ginamit nila ang iyong referral code at nakumpleto ang kanilang unang pagbili. Tatanggap ka ng notification kapag natanggap mo na ang iyong reward para sa isang matagumpay na pag-refer. Puwede mo ring tingnan ang lahat ng referral reward mo sa seksyong "Mag-refer at Kumita".
Gamitin ang mga nakuha mong mga credit para bilhin ang alinmang eSIM o load. Piliin ang Airmoney na paraan ng pagbabayad sa checkout.