Petsa nang pagpapatupad: 3 Hunyo 2024
ANG AIRGSM PTE. LTD., nagnenegosyo bilang Airalo (www.AIRALO.com) (“Airalo,” “kami,” “namin,” o “amin”), ang kahalagahan ng iyong privacy. Inilalarawan ng Patakaran sa Privacy na ito kung paano namin kinokolekta, ginagamit, ibinahagi at pinoprotektahan ang iyong personal na impormasyon, na kilala rin bilang personal na data. Sinasabi rin sa iyo ng Patakaran sa Privacy na ito ang tungkol sa mga karapatan at opsyon mo may kinalaman sa iyong personal na impormasyon, at kung paano mo kami makokontak para makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong.
Sa pamamagitan ng pag-register ng account o kaya naman ay paggamit o pagbisita sa anumang website, application, produkto, software, tool, data feed, at/o serbisyo ng Airalo (sama-sama bilang “Serbisyo”), nauunawaan mo at sumasang-ayon ka sa mga tuntunin ng patakarang ito.
Ipinapaliwanag ng Patakaran sa Privacy na ito kung paano namin kinokolekta, ginagamit, ibinubunyag, pinapanatili, at pinoprotektahan ang iyong personal na impormasyon. Pakibasang mabuti ang Patakaran sa Privacy na ito.
Talahanayan ng mga nilalaman:
1. Pagiging angkop ng Patakaran sa Privacy na ito
2. Paano Namin Kinokolekta, Ibinubunyag, at Ginagamit ang Personal na Impormasyon
3. Impormasyong Kinokolekta Namin
4. Pagpapanatili ng Data
5. Paano Namin Ginagamit ang Impormasyon
6. Paano Namin Ibinabahagi ang Impormasyon
7. Ang Mga Karapatan Mo
8. Pagpasa ng Data at Pandaigdigang Pagpasa ng Data
9. Seguridad
10. Mga Pagbabago sa Patakarang Ito
11. Mga Bata
12. Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan
13. Karagdagang Impormasyon para sa Mga Residente ng California
1. Pagiging angkop ng Patakaran sa Privacy na ito
Angkop ang Patakaran sa Privacy na ito para sa mga user ng mga serbisyo ng Airalo sa buong mundo, kabilang ang mga user ng mga mobile application ng Airalo, Partner Platform, mga website, feature, o iba pang mga serbisyo, interaksyon (online at offline) sa Airalo, mga empleyado, at aplikante sa trabaho (ang “Mga Serbisyo”).
Inilalarawan ng Patakaran sa Privacy na ito kung paano kinokolekta at ginagamit ng Airalo ang data at angkop sa lahat ng user ng Airalo sa buong mundo, malibang gumagamit sila ng serbisyo na saklaw ng hiwalay na notice sa privacy. Partikular na angkop ang Patakaran sa Privacy na ito sa:
2. Paano namin kinokolekta, ibinubunyag, at ginagamit ang personal na impormasyon
Kinokolekta namin ang impormasyong tungkol sa iyo sa iba't ibang paraan depende sa kung paano ka nakipag-ugnayan sa amin at sa Mga Serbisyo namin, kabilang ang:
Inuuri ng Airalo ang mga system ng data at impormasyon alinsunod sa mga legal na kinakailangan, sensitivity, at pagiging mahalaga sa negosyo para matiyak na nabibigyan ang impormasyon ng angkop na antas ng proteksyon. Ang “data controller” ay ang entity na tumutukoy sa mga layunin at paraan ng pagproseso ng data na ginagawa. Ang “data processor” ay isang entity na kumikilos sa ngalan, at sa ilalim ng mga tagubilin, ng controller sa pagproseso ng personal na impormasyon.
Airalo bilang data controller
Ginagampanan ng Airalo ang tungkulin ng data controller kapag natukoy nito ang mga layunin at paraan ng pagproseso ng personal na data. Bilang data controller, may pananagutan ang Airalo sa pagtiyak na naproseso ang personal na data nang nakakasunod sa mga angkop na batas sa proteksyon ng data. Kabilang sa mga aktibidad sa ilalim ng kapasidad ng Airalo bilang data controller ang:
Mga pangunahing aktibidad:
Airalo bilang data processor
Sa mga pagkakataong nagbibigay ng mga serbisyo ang Airalo sa ngalan ng, at sa mga direksyon ng Business User, kumikilos ito bilang data processor. Kabilang dito ang mga situwasyong tulad ng:
Kapag kumikilos sa kapasidad ng data processor, pinapayuhan namin ang mga user na konsultahin ang patakaran sa privacy ng naaayong data controller (ang Business User) para sa impormasyon kung paano pinamamahalaan at pinoprotektahan ang kanilang data. Mahigpit na sumusunod ang Airalo sa mga tagubiling ibinigay ng data controller at nakatuon sa pagtiyak sa pagiging kumpidensyal at seguridad ng naprosesong data alinsunod sa mga angkop na batas sa proteksyon ng data at mga contractual na obligasyon.
3. Impormasyong kinokolekta namin
Nagbibigay ang sumusunod na mga halimbawa ng uri ng impormasyon na kinokolekta namin sa iba't ibang konteksto at kung paano namin ginagamit ang impormasyong iyon.
Konteksto | Mga Uri ng Data | Pangunahing Layunin para sa Pagkolekta at Paggamit ng Data |
---|---|---|
Registration ng Account | Kinokolekta namin ang iyong pangalan at contact information, kabilang ang email, kapag gumagawa ka ng account. Nangongolekta rin kami ng impormasyon may kaugnayan sa mga aksyon na ginagawa mo habang naka-log in sa iyong account. | May lehitimo kaming interes sa pagbibigay ng mga functionality na nauugnay sa account sa mga user namin. Puwedeng magamit ang mga account para sa madaling pag-checkout at para i-save ang mga kagustuhan mo at history ng transaksyon. Posibleng iproseso rin namin ang impormasyong ito para gawin ang aming kontrata sa iyo. |
Biometric information | Mga biometric identifier mula sa mga photo ID at selfie. | Pinoproseso namin ang biometric information nang may hayagang pagpayag mo para makumpirma ang iyong pagkakakillanlan sa pamamagitan ng proseso ng eKYC kapag kinakailangan ng batas. |
Mga Business User | Kinokolekta namin ang pangalan, at contact information, kabilang ang email, numero ng telepono, at aktwal na address, ng mga empleyado ng aming Mga Business User na posibleng nakakaugnayan namin. | May lehitimo kaming interes sa pagkontak sa mga kliyente namin at pakikipag-ugnayan sa kanila may kinalaman sa normal na administrasyon ng negosyo tulad ng mga proyekto, serbisyo, at billing. |
Kinakailangang Mga Teknolohiya sa Online na Pag-track |
Gumagamit kami ng mga cookies at clear GIF. Maliliit na piraso ng impormasyon ang “Cookies” na ipinapadala ng website sa hard drive ng compute habang binibisita ang isang website. Tumutukoy ang mga Clear GIF sa mga pixel na nilo-load ng iyong browser kapag nag-access ka ng website. Posibleng mangolekta ng impormasyon ang mga tracking technology na ito tungkol sa iyong uri ng browser, operating system, Internet Protocol (IP) address (numero na awtomatikong ina-assign sa isang computer kapag ginagamit ang internet), domain name, click-activity, website na nag-refer, at/o isang date/time stamp para sa mga bisita. |
May lehitimo kaming interes sa pagpapatakbo sa aming website nang mahusay. |
Mga Hindi Mahalagang Teknolohiya sa Pagsubaybay | Posibleng maglagay kami ng mga teknolohiya sa pagsubaybay sa iyong website (hal., cookies o mga pixel) na nangongolekta ng analytics, nire-record kung paano ka nakikipag-interact sa aming website, o nagbibigay-daan sa amin na sumali sa advertising na nakabatay sa paggawi. Posibleng mangolekta ng impormasyon ang mga technology na ito tungkol sa iyong uri ng browser, operating system, Internet Protocol (IP) address (numero na awtomatikong ina-assign sa isang computer kapag ginagamit ang internet), domain name, click-activity, website na nag-refer, at/o isang date/time stamp para sa mga bisita. Posible ring kolektahin namin o ng mga third party ang impormasyon sa paglipas ng panahon at sa lahat ng iba't ibang website para makapagpakita ng mga advertisement sa website namin o iba pang mga website. | Kapag kinakailangan ng batas, ibinabatay namin ang paggamit ng mga third-party cookies kapag pinayagan. |
Demograpikong Impormasyon | Nangongolekta kami ng personal na impormasyon, tulad ng iyong edad o lokasyon. | May lehitimo kaming interes sa pag-unawa sa mga user namin at pagbibigay ng iniangkop na mga serbisyo. |
Mga Aplikante sa Trabaho | Kung mag-a-apply ka para sa isang trabahong nai-post, o maging isang empleyado, kinokolekta namin ang kinakailangang impormasyon para iproseso ang iyong application o para panatilihin ka bilang empleyado, kabilang ang iyong contact information, edukasyon, at history ng trabaho. | May lehitimo kaming interes sa pagsusuri ng mga indibidwal para sa isang potensyal na posisyon sa aming mga manggagawa. Sa ilang konteksto, hinihiling din sa amin ng batas na mangolekta ng impormasyon tungkol sa mga empleyado o aplikante. May lehitimo rin kaming interes sa paggamit ng iyong impormasyon para magkaroon ng mahusay na mga operasyon ng tauhan at manggagawa. |
Feedback/Support | Kung magbibigay ka sa amin ng feedbak o kokontakin kami para sa support, kokolektahin namin ang iyong pangalan at email address, gayundin ang anumang iba pang content na ipapadala mo sa amin, para makasagot. | May lehitimo kaming interes sa pagtanggap, at pagkilos, sa iyong feedback o mga isyu. |
Mga Mobile Device | Kinokolekta namin ang impormasyon sa iyong mobile device tulad ng natatanging identifying information broadcast mula sa iyong device kapag binibisita ang aming website. | May lehitimo kaming interes sa pagtukoy sa mga natatanging bisita at pagsubaybay sa mga pagbisita sa aming website. |
Placement ng Order | Kinokolekta namin ang iyong pangalan, billing address, shipping address, email address, numero ng telepono, at numero ng payment card kapag nag-oorder ka. | Ginagamit namin ang iyong impormasyon para gawin ang aming kontrata na bigyan ka ng aming Mga Serbisyo. |
Promosyon ng Partner | Kinokolekta namin ang impormasyon na ibinibigay mo bilang bahagi ng co-branded na promosyon sa ibang kumpanya. | May lehitimo kaming interes sa paggawa ng aming mga promosyon. |
Mga Survey | Kapag sumali ka sa isang survey, kinokolekta namin ang impormasyon na ibinibigay mo sa pamamagitan ng survey. Kung mula sa third party na service provider ang survey, angkop ang patakaran sa privacy ng third party sa pagkolekta, paggamit, at pagbubunyag ng iyong impormasyon. | May lehitimo kaming interes sa pag-unawa sa mga opinyon mo at pagkolekta ng impormasyong nauugnay sa aming organisasyon. |
4. Pagpapanatili ng data
Pinapanatili namin ang iyong personal na impormasyon hangga't kinakailangan lang para gawin ang mga layuning nakabalangkas sa Patakaran sa Privacy na ito, kabilang ang mga layunin ng pagsapat sa anumang mga kinakailangan sa legal, accounting, o pagre-report, malibang kailangan ang mas mahabang panahon o kung pinahihintulutan ng batas. Para matukoy ang angkop na panahon ng pagpapanatili para sa personal na impormasyon, isinasaalang-alang namin ang dami, likas, at pagiging sensitibo ng impormasyon, ang potensyal ng panganib ng ikasasama mula sa hindi pinahihintulutang paggamit o pagbubunyag sa impormasyon, ang mga layunin kung bakit namin kinuha ang data at kung magagawa namin ang mga layuning iyon sa pamamagitan ng ibang mga paraan, gayundin ng mga angkop na legal na kinakailangan.
5. Paano namin ginagamit ang personal na impormasyon
Karagdagan pa sa mga layunin at paggamit na inilarawan sa itaas, ginagamit namin ang personal na impormasyon sa mga sumusunod na paraan:
Bagaman inilalarawan ng seksyon sa itaas ang aming pangunahing layunin sa pagkolekta ng impormasyon, sa maraming situwasyon, may higit sa isang layunin kami. Halimbawa, kung kumumpleto ka ng online na pagbili, posibleng kolektahin namin ang iyong impormasyon para gawin ang aming kontrata sa iyo, pero kinokolekta rin namin ang iyong impormasyon dahil may lehitimo kaming interes sa pagpapanatili ng iyong impormasyon pagkaraang matapos ang iyong transaksyon para mabilis at madali kaming makakatugon sa anumang mga tanong tungkol sa order mo. Bilang resulta, ang pagkolekta at pagproseso namin ng iyong impormasyon ay batay sa iba't ibang konteksto sa iyong pagpayag, ang pangangailangan naming magsagawa ng kontrata, ang aming mga obligasyon sa ilalim ng batas, at/o ang aming lehitimong interes sa pagsasagawa ng aming negosyo.
6. Paano kami nagbabahagi ng personal na impormasyon
Bilang karagdagan sa mga partikular na situwasyong tinalakay sa ibang bahagi ng Patakaran sa Privacy na ito, posibleng magbunyag kami ng personal na impormasyon sa mga sumusunod na situwasyon:
7. Ang mga karapatan mo
Depende sa iyong lokasyon at sumasailalim sa angkop na batas, posibleng mayroon ka ng mga sumusunod na karapatan:
Pakitandaan, hindi pinal ang lahat ng karapatang inilalarawan sa itaas, at hindi angkop ang mga ito sa lahat ng pagkakataon. Sa ilang situwasyon, posibleng limitahan namin o tanggihan ang iyong request dahil pinahihintulutan kami o hinihingi ng batas sa amin na gawin iyon, o kung hindi namin sapat na ma-verify ang iyong pagkakakilanlan. Hindi kami magdidiskrimina laban sa mga indibidwal na isasagawa ang kanilang mga karapatan sa privacy sa ilalim ng angkop na batas.
Pakibasa ang seksyong ito para malaman ang higit pa tungkol sa mga partikular na karapatan. Para magsumite ng request na isagawa ang anumang mga karapatang inilalarawan sa itaas, o para iapela ang pagdeterminang ginawa namin may kaugnayan sa request sa mga karapatan ng data subject, makipag-ugnayan sa amin gamit ang contact information sa ibaba, o sa pamamagitan ng aming page na Kontakin Kami.
Tandaan, kagaya ng kinakailangan ng batas, hihilingin namin sa iyong patunayan ang iyong pagkakakilanlan. Depende sa iyong request, hihingi kami ng impormasyon tulad ng iyong pangalan, ang huling item na binili mo sa amin, o ang petsa ng iyong huling pagbili sa amin. Posibleng hingin din namin sa iyo na magbigay ng pinirmahang deklarasyon na kumukumpirma sa iyong pagkakakilanlan. Kasunod ng request, gagawin namin ang makatuwirang mga pagsisikap para ibigay, iwasto, o i-delete ang personal na impormasyon tungkol sa iyo sa aming mga file.
Sa ilang mga situwasyon, puwede kang magtalaga ng awtorisadong agent para magsumite ng mga kahilingan para magsagawa ng partikular na mga karapatan sa privacy sa ngalan mo. Kung awtorisadong agent ka na nagsusumite ng request sa ngalan ng indibidwal, dapat kang maglakip ng kopya ng pirmadong dokumento na nagpapahiwatig na pinahihintulutan kang kumilos ngalan ng ibang tao.
Paano ako mag-a-unsubscribe sa mga marketing email?
Puwede kang mag-opt out sa mga email na nauugnay sa marketing sa pamamagitan ng paggamit functin na unsubscribe mula sa iyong Mga Setting ng Profile. Para pamahalaan ang mga kagustuhan mo, mag-log in sa iyongaccount, pagkatapos ay mag-navigate sa mga setting ng iyong Profile. I-on o i-off ang “Gusto kong tumanggap ng mga email na pampromosyon.” para i-save ang mga pagbabago. Io-opt out ang iyong email address sa mga komunikasyon ng email marketing nang maaga hangga't posible.
Kung may mga tanong ka tungkol sa kung paano mag-opt out sa mga komunikasyon sa marketing ng Airalo, huwag mag-atubiling kontakin kami sa [email protected].
Paano ko ide-delete ang aking account?
Puwede mong i-delete ang iyong account sa pamamagitan ng paggamit sa function na “I-delete ang Account” sa mismong Mga Setting ng Profile mo. Mag-log in sa iyongaccount, pagkatapos ay mag-navigate sa mga setting ng iyong Profile. I-click ang button na “I-delete ang Account” at kumpirmahin ang iyong intensyon. Ipoproseso namin ang request kaagad-agad o sa loob ng isang buwan mula sa pagtanggap ng request kung sakaling may mga espesyal na kinakailangang nakalakip.
Pakitandaan na sa anumang situwasyon, posibleng kailanganin naming i-verify ang iyong pagkakakilanlan at ang iyong ugnayan sa amin bago kami makakapagpatuloy sa iyong request.
Kailan patuloy na ipoproseso ng Airalo ang data pagkatapos nitong tumanggap ng request sa pag-delete o pagtutol sa pagproseso?
Sa mga partikular na pagkakataon, posibleng hilinging ng batas sa Airalo na panatilihin at iproseso ang iyong Personal na Data kahit pagkatapos ng request sa pag-delete o pagtutol sa pagproseso. Halimbawa, hinihiling sa Airalo na magpanatili ng partikular na impormasyon para sapatan ang mga legal na obligasyon sa ilalim ng Know Your Customer (KYC) at mga detalye ng mga transaksyon sa Pagbabayad.
9. Pagpasa ng data at Pandaigdigang pagpasa ng data
Pag-aari ng Airalo ang Serbisyo at posibleng ma-access sa Europe at sa ibang bansa. Bilang resulta, posibleng maproseso ang iyong impormasyon sa banyagang bansa kung saan posibleng hindi ganoon kahigpit ang mga batas sa privacy kumpara sa iyong bansa. Gayunpaman, kapag posible, gumagawa kami ng mga hakbang para tratuhin ang personal na impormasyon gamit ang parehong mga prinsipyo ng privacy na angkop alinsunod sa batas ng bansa kung saan namin unang tinanggap ang iyong impormasyon. Sa pagsusumite ng iyong personal na impormasyon sa amin, sumasang-ayon ka sa pagpasa, storage, at pagproseso ng iyong impormasyon sa isang bansa bukod pa sa iyong tinitirahang bansa kabilang ang, pero hindi limitado sa, United States. Kung gusto mo ng higit pang impormasyon may kinalaman sa aming mga pagtatangkang i-apply ang mga angkop na prinsipyo sa privacy sa isang hurisdiksyon sa data kapag napupunta ito sa ibang hurisdiksyon, puwede mo kaming kontakin gamit ang contact information sa ibaba.
9. Seguridad
Sinusundan namin ang pangkalahatang tinatanggap na mga pamantayan sa industriya para tulungan kang protektahan ang iyong personal na impormasyon. Walang paraan ng transmission sa internet, mobile technology, o paraan ng electronic storage, ang ganap na secure. Kaya naman, bagaman pinagsisikapan naming magpanatili ng pisikal, electronic, at procedural na mga proteksyon para ingatan ang pagiging kumpidensyal ng impormasyong kinokolekta namin, hindi namin magagarantiya ang lubos na seguridad.
Nananatiling may pananagutan ang mga user ng Airalo sa pagpapanatiling secure ng kanilang password at mga kredensyal. Kung may anumang mga dahilan ka para maniwalang hindi na secure ang iyong pakikipag-ugnayan sa amin (halimbawa, kung ipinagpapalagay mong nakompromiso ang seguridad ng anumang account na mayroon ka sa amin), agad na ipaalam sa amin ang problema sa pamamagitan ng pagkontak sa amin sa [email protected].
10. Mga pagbabago sa patakarang ito
May karapatan kami na baguhin ang mga tuntunin ng Patakaran sa Privacy na ito anumang oras. Kung may mahahalagang pagbabago sa pahayag na ito o kung paano namin gagamitin ang iyong personal na impormasyon, ino-notify ka namin sa pamamagitan ng malinaw na pag-post ng notice ng gayong mga pagbabago rito o sa aming home page, o sa pagpapadala sa iyo ng email. Hinihimok ka naming i-review ang patakarang ito kapag binibisita mo ang isa sa aming mga website o application. Kabilang sa aming patakaran sa privacy ang isang petsa ng “pagiging may-bisa” at “huling na-update”. Tumutukoy ang petsa ng pagiging may-bisa sa petsa kung kailan ipinatupad ang kasalukuyang bersyon. Tumutukoy ang petsa ng huling na-update sa petsa kung kailan may malaking binago sa kasalukuyang bersyon.
11. Mga Bata
Hindi nilalayon ang mga serbisyo namin para sa mga batang wala pang 13 taong gulang at hindi namin sinasadyang mangolekta ng personal na impormasyon sa mga menor de edad na wala pang 16 na taong gulang na sakop pa ng awtoridad ng magulang, nang walang pahintulot ng magulang. Hindi dapat ibigay sa amin ng mga batang wala pang 13 taong gulang ang kanilang personal na impormasyon.
12. Impormasyon sa pakikipag-ugnayan
Kung mayroon kang mga tanong, komento, apela, o reklamo may kaugnayan sa aming mga kasanayan sa privacy, o kung kailangan mo ng access sa Patakaran sa Privacy na ito sa alternatibong format dahil sa pagkakaroon ng kapansanan, pakikontak kami sa angkop na address sa ibaba. Susubukan naming tumugon sa iyong mga request at bigyan ka ng karagdagang impormasyong nauugnay sa privacy.
Kung hindi ka nasisiyahan sa sagot namin, at nasa European Union o United Kingdom, posibleng may karapatan kang maghain ng reklamo s aiyong lokal na supervisory authority.
13. Karagdagang impormasyon para sa mga residente ng California
Hinihiling sa amin ng batas ng California na ibunyag ang sumusunod na karagdagang impormayon na nauugnay sa aming mga kasanayan sa privacy. Kung residente ka ng California, angkop sa iyo ang sumusunod na mga pagbubunyag sa privacy bilang karagdagan sa iba pang Patakaran sa Privacy.
Kategorya ng Personal na Impormasyon | Kategorya ng Mga Recipient | |
---|---|---|
Mga pagbubunyag para sa isang Layunin ng Negosyo | Pagbabahagi para sa Cross-Context na Behavioural Advertising | |
Mga Identifier – posibleng kasama rito ang totoong pangalan, alias, postal address, natatanging personal identifier, online identifier, email address, pangalan ng account, o iba pang katulad ng mga identifier. |
Mga affiliate o subsidiary Mga partner sa negosyo Mga provider ng data analytics Mga provider ng internet service Mga joint marketing partner Mga operating system at platform Iba pang mga service provider Mga tagaproseso ng pagbabayad at financial institution Mga organisasyon ng propesyunal na serbisyo, posibleng kasama rito ang mga auditor at law firm Mga social network |
Mga network ng advertising |
Pagkakakilanlan na Inisyu ng Pamahalaan – posibleng kasama rito ang social security number, numero ng driver’s license, o state issued na identification number, passport number. |
Mga operator ng network (kung saan kinakailangan ang eKYC) Mga organisasyon ng propesyunal na serbisyo, posibleng kasama rito ang mga auditor at law firm |
|
Impormasyong Pampinansyal – posibleng kasama rito ang numero ng bank account, credit card number, debit card number, at iba pang impormasyong pampinansyal. |
Mga operating system at platform Mga tagaproseso ng pagbabayad at financial institution Mga organisasyon ng propesyunal na serbisyo, posibleng kasama rito ang mga auditor at law firm |
|
Mga katangian ng mga protektadong klasipikasyon – posibleng kasama rito ang edad, kasarian, etnisidad, pisikal o sa isip na kapansanan, atbp. |
Mga operator ng network (kung saan kinakailangan ang eKYC) Mga organisasyon ng propesyunal na serbisyo, posibleng kasama rito ang mga auditor at law firm |
|
Pangkomersyal na impormasyon – posibleng kasama rito ang impormasyong tungkol sa mga produkto o serbisyong binili, nakuha, o isinaalang-alang, o iba pang mga kasaysayan o pagkahilig sa pagbili o paggamit. |
Mga affiliate o subsidiary Mga partner sa negosyo Mga provider ng data analytics Mga provider ng internet service Mga joint marketing partner Mga operating system at platform Iba pang mga service provider Mga tagaproseso ng pagbabayad at financial institution Mga organisasyon ng propesyunal na serbisyo, posibleng kasama rito ang mga auditor at law firm Mga social network |
|
Impormasyon sa aktibidad sa internet at iba pang elektronikong network – posibleng kasama rito ang history ng pag-browse, history ng paghahanap, at impormasyon may kinalaman sa interaksyon ng indibidwal sa isang website sa internet, application, o advertisement. | Mga provider ng data analytics | Mga network ng advertising |
Impormasyong propesyonal o nauugnay sa pamamasukan |
Mga affiliate o subsidiary Mga partner sa negosyo Mga operating system at platform Iba pang mga service provider Mga organisasyon ng propesyunal na serbisyo, posibleng kasama rito ang mga auditor at law firm |
|
Impormasyon sa hindi pampublikong edukasyon (tulad ng tinutukoy sa Mga Karapatang Pang-edukasyon sa Pamilya at Batas sa Privacy) |
Mga affiliate o subsidiary Mga partner sa negosyo Mga operating system at platform Iba pang mga service provider Mga organisasyon ng propesyunal na serbisyo, posibleng kasama rito ang mga auditor at law firm |
|
Mga karagdagang kategorya ng personal na impormasyong inilalarawan sa batas ng California Customer Records (Cal. Civ. Code § 1798.80(e)) – posibleng kasama rito ang lagda, pisikal na mga katangian, o deskripsyon, policy number ng insurance. |
Mga operator ng network (kung saan kinakailangan ang eKYC) Mga organisasyon ng propesyunal na serbisyo, posibleng kasama rito ang mga auditor at law firm |
2024 AIRGSM PTE. LTD.
Naka-reserve ang lahat ng karapatan
Puwede kang makakuha ng USD $3.00 na Airmoney sa pamamagitan ng pagbabahagi ng referral code mo sa mga kaibigan.