Epekto

Bilang pandaigdigang organisasyon, namuhunan ang Airalo sa maraming inisyatibo para isulong ang kalusugan, kaligtasan, sustainability, at kapakanan ng iba.

Makikita sa maraming anyo ang pandaigdigang equity. Sa gitna ng aming organisasyon, naniniwala sa pagbibigay ng global connectivity sa lahat ng nasa mundo. Anumang teknolohiya ang mayroon ka at saan ka man naroroon, ang layunin namin ay maikonekta ang lahat. Ang kalayaang gamitin ang teknolohiya sa buong kakayahan nito ay unti-unting nagbago mula sa pagiging pribilehiyo hanggang sa pagiging pangangailangan habang mas nagiging magkakakonekta tayo.

Habang nagsisikap kami para sa digital na kinabukasan, magpapatuloy kami sa pagsulong ng environmentally-friendly at makabagong mga solusyon na babawas sa pangangailangan ng plastic at basura mula sa mga karaniwang SIM card.

Narito ang mga inisyatibong pinangungunahan namin: 

Epekto

Tulong

Bilang kumpanyang nakatuon sa global connectivity, palagi kaming naghahanap ng mga paraan para magamit ang aming imprastruktura at mga partnership ng telecom para magbigay ng connectivity kung saan ito kailangan.

Nagbigay kami ng mga data service para sa:

Tulong
Ukraine

Ang Pondo ng Help Ukraine Connect, 2022

Binuo ng team ng Airalo ang Help Ukraine Connect Fund para suportahan ang milyun-milyong Ukrainian na naapektuhan ng giyera. Direktang mapupunta ang pondo sa mga Ukrainian na nangangailangan ng access sa data sa mga mahirap na panahong ito.

Myanmar

AngCivil Unrest sa Myanmar, 2021

Noong may kagulugan sa Myanmar, halos walang serbisyo ng telecom. Hindi maka-access ang karamihan sa mamamayan sa mahahalagang serbisyo ng SIM. Gayunpaman, tumatakbo pa rin ang mga eSIM service ng Airalo. Kami ang naging pangunahing solusyon para sa data sa maikling panahon, sa pagtutuoon ng Airalo ng panahon, pera, at mga resource para panatilihing konektado ang Myanmar.

Australia

Ang Mga Wildfire ng Australian, 2020

Ang team ng Airalo na pinakilos para gumawa ng relief fund, kung saan ang lahat ng kinita sa mga benta ng Australian eSIM ay mapupunta sa mga pinakaapektado ng tragic na likas na sakuna ng mga wildfire ng Australia.

Edukasyon

Ang Airalo's Children Fund ay isang inisyatibong nabuo sa pakikipag-collaborate sa Children International, isang pandaigdigangl non-profit child sponsorship na organisasyon.

Pinopondohan ng Airalo Fund ang mga bata sa mga sumusulong na bansa - tumutulong sa pagbibigay ng pagkain, tubig, matutuluyan, at edukasyon. Ang layunin namin ay mag-sponsor ng bagong bata sa bawat empleyado na makukuha ng kumpanya, at sa pagpapalago ng Airalo, umaasa kaming makapagtatag ng mas mahusay na kinabukasan para sa mga batang ito.

Edukasyon

Malinis na Tubig

Ini-sponsor ng Airalo ang rural town ng Babou, Cameroon, gumawa ng balon sa gitna ng bayan.

Araw-araw sa mga rural na komunidad sa buong Africa, milyun-milyong tao ang nagdurusa sa kakulangan ng access sa malinis, ligtas na tubig. Sa buong daigdig, 1 sa 9 na tao ang wala pa ring access sa malinis na tubig, pero sa mga rehiyon sa Africa, iyon ay 8 sa 9. Araw-araw at napakalaking problema ng tubig. Kapag walang tubig, hindi ka puwedeng magtanim ng makakain, hindi ka puwedeng manatiling malusog, hindi ka puwedeng pumunta sa paaralan, at hindi ka puwedeng patuloy na magtrabaho. Para sa mga batang nasa edad ng estudyante, pahirap ito na nagsasadlak sa kanila sa kahirapan. Sisirain ng access sa ligtas na tubig ang hadlang sa mas magandang buhay at gagawing potensyal ang mga problema — binubuksan ang edukasyon, pagkakataong kumita, at mas mahusay na kalusugan.

Malinis na Tubig

Environmental Sustainability

Dahil sa plastik, nagkakaroon ng matinding problema sa mundo, at ipinagmamalaki naming makabuo ng produkto na nakakabawas nang napakalaki sa pangangailangan ng plastik na mga SIM card at ang packaging nito.

Higit sa 4 bilyong SIM card ang ginagawa bawat taon; katumbas ito ng milyung tonelada ng plastic na ginagamit at itinatapon, galon-galon na fuel, at patuloy na kumakaunting mapagkukunan na ginagamit sa proseso ng manufacturing.

Habang nagsisikap ang iba pa sa mundo para gumamit ng mas sustainable na mga kasanayan sa manufacturing at distribution, naka-commit ang Airalo sa patuloy na paghahanap ng mga makabagong paraan para mabawasan ang sarili naming carbon footprint.

Environmental Sustainability

Gustong malaman ang higit pa tungkol sa Airalo?