Ang co-founder at CEO ng Airalo, si Bahadir, ay isang serial entrepreneur na may ilang proyektong natapos. Itinatag niya ang kaniyang unang kumpanyha sa edad 19, at simula noon, hindi na siya huminto sa pagsasakatotohanan ng mga bagong ideya. Bago ang Airalo, nasa industriya ng Maritime si Bahadir. Tinatawag niya ang kaniyang sarili bilang isang "accidental na telecom guy". Noong siya ang namamahala sa kumpanya ng global ship supply, palagi siyang sinasabihan ng kaniyang mga sea captain na magdala ng mga SIM card, bukod pa sa ibang bagay. Ang sumunod niyang produkto, ang Sim4crew, isang global MVNO para sa mga seafarer, ay tumuloang sa 50,000 seafarer na manatiling konektado sa kanilang mga biyahe. Ang pananaw ni Bahadir sa industriya ng telecom ay gumabay sa kaniya sa negosyo ng eSIM.