Sa article ngayong araw, pag-uusapan natin ang mga pakinabang ng pagkakaroon ng mga eSIM sa iyong telepono nang sabay-sabay!
Pag-aaralan natin kung ano ang isang eSIM, ang pagkakaiba sa pagitan ngmga eSIM at aktwal na mga SIM, dual SIM na teknolohiya, at pagbiyahe sa maraming bansa gamit ang isang eSIM.
Una sa lahat:
Ano ang isang eSIM?
Sa maili, ang isang eSIM ay nangangahulugang 'embedded' na SIM card. Gayunpaman, hindi kagaya ng tradisyunal na aktwal na SIM card, ang isang eSIM ay naka-built in sa iyong device. Puwede kang mag-download ng mga data package nang direkta sa iyong telepono sa halip na magpalit ng mga card. Ang kumbinyente naman noon!
Nangangahulugan din itong:
-
Hindi na kailangang maghanap ng nagtitinda ng SIM habang bumabiyahe
-
Wala nang mahal na mga roaming fee bawat araw mula sa iyong home provider
-
Mag-install ng mga data pack ng direkta sa iyong telepono, saan ka man may WiFi na koneksyon
Mas straightforward, mabilis, at murang paraan para makakuha ng data. Alamin pa ang tungkol sa mga plan na iniaalok namin dito.
Mga eSIM vs. Mga Physical SIM Card
Bakit ka gagamit ng eSIM kumpara sa isang regular na SIM card? Magagamit mo pa rin ang iyong numero ng telepono mula sa iyong pangunahing linya sa parehong device (posibleng may mga singil sa roaming).
Sa pamamagitan ng eSIM, makakagamit ka lang ng data (sa karamihan ng mga bansa). Tamang-tama ito para sa mga biyahe sa ibang bansa, bakasyon, o work event. Sa pamamagitan ng eSIM, magagawa mo agad na lumipat sa isang data plan para sa lugar na iyon at makakonekta sa sandaling lumapag ka sa airport.
Puwedeng makaubos ng oras at nakaka-stress ang pagsubaybay sa maraming aktwal na mga SIM card.
Kailangan mong:
-
I-label ang mga ito
-
I-store ang mga ito
-
Lumipat sa mga ito
Sa maraming eSIM, ang kailangan mo lang gawin ay ilipat ang linya sa iyong device!
Dual SIM na Teknolohiya
Salamat sa Dual SIM Dual Standby (DSDS) na teknolohiya, nagagawa naming mag-store ng maraming SIM sa iyong mga telepono nang sabay-sabay. Depende sa iyong telepono, puwede kang magkaroon ng isa o maraming eSIM profile na naka-save sa iyong telepono nang sabay-sabay.
Hindi kagaya ng aktwal na SIM card, hindi nililimitahan ng eSIM ang card slot ng iyong SIM. Dahil naka-embed ang chip, kailangan mo lang i-download ang mga plan na kailangan mo!
Isipin na lang ang pagkakaroon ng plan para sa Germany, Kenya, Canada, at Thailand na naka-save sa telepono mo. Mas mabilis na access sa mga network at data iyon saan mo man kailangan ito!
Pagbiyahe sa Maraming Bansa
Sa Airalo, nag-aalok din kami ng regional-based at global na mga data plan. Kailangan mo lang mag-download ng isang plan kung nagpaplano kang bumiyahe sa maraming bansa (97 sa aming global plan) o Europe, Africa, Asia, at ang Caribbean.
Makatuwiran ito para sa mga user na bumabiyahe sa iba't ibang bansa sa maikling panahon.
Ang listahan namin ng mga pakinbang ng Maraming eSIM
Ngayong napag-usapan na natin ang ilan sa mga mahalagang pakinabang ng pagkakaroon ng maraming eSIM sa iyong telepono, narito ang ilan sa mga paborito naming dahilan para magkaroon ng iba't ibang eSIM sa iyong device:
-
Madaling i-download ang mga eSIM at madali ring i-delete sa iyong device
-
Abot-kaya at prepaid ang mga eSIM, na nangangahulugang sisingilin ka lang sa plan na bibilhin mo
-
Puwede kang magkaroon ng maraming eSIM sa iyong telepono, na nagreresulta sa mas madaling pagpapalipat-lipat.
-
Puwede mong bawasan ang kabuuang bilang ng mga eSIM na kailangan mo sa pamamagitan ng paggamit ng regional o global na data plan.
-
Hindi mo kailangang mag-manage ng maraming aktwal na mga SIM card
-
Magagawa mong panatilihin ang iyong hone phone number habang nagagawang lumipat ng mga linya para sa mga lokal na access sa data