Matagal nang hamon para sa mga biyahero ang pananatiling konektado habang nasa ibang bansa. Mula sa mga hamon ng pabili ng lokal na SIM card hanggang sa mga domestic carrier na masayang maningil nang napakataas para sa international na serbisyo, parang walang nakikitang magandang solusyon.
Maliban sa isa. Sa katunayan, ilang taon nang may mga eSIM, pero ngayon lang ito nakakakuha ng nararapat na pansin.
Iniisip mo ba kung paano gumagana ang isang eSIM? Magandang balita!
Narito ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa napakagandang teknolohiyang ito na nagpapasimple sa pagbiyahe at pinapanatili kang konektado nang on the go.
Ano ang isang eSIM at Bakit ito Mahalaga?
Ang lahat ng telepono ay nangangailangan ng SIM card para ma-access ang mobile data at cell service. Sa karamihan ng situwasyon, kailangang aktwal na ilagay ng mga user ang maselang hardware na ito sa isang tray at ipasok ito sa kanilang telepono. (Kung gumagamit ka ng lumang telepono, posibleng kailangan mo pang buksan ang likod at i-slide ito sa socket.)
Alam mo na ang gagawin. Puwedeng maging napakahirap kapag palagi kang nagpapalit ng SIM sa bawat telepono … o palipat-lipat ng SIM card.
Sa kabilang banda, ang isang eSIM ay isang embedded na SIM card – isang maliit na chip na nakadikit nang direkta sa circuit board ng telepono. May ganito ang mga mas bagong telepono kasama ng tradisyunal na SIM tray.
May ilang kalamangan ang eSIM kaysa sa tradisyunal na mga SIM card. Halimbawa:
- Puwede kang mag-store ng maraming eSIM data plan: Hindi ka nalilimitahan sa isang plan lang kagaya ng aktwal na card.
- Binibigyang-daan ng mga ito ang mas powerful na mga telepono: Mas kaunting space ang kinukuha ng eSIM kaysa sa SIM card sa slide-out na tray nito. Ang isa sa mga dahilan kung bakit naging sikat ang mga ito ay ang pagkakataong ibinibigay ng mga ito sa mga manufacturer na palakihin ang ibang component … tulad ng baterya.
- Hindi na kailangang kalikutin ang mga hardware component: Salamat na lang dahil hindi mo na kailangang buksan ang likod ng mga bagong telepono, na naglalantad sa mga component sa mga elemento. Mas maganda pa, hindi ka na mahihirapang humanap ng paperclip na kasya sa butas ng tray para mabuksan ito.
Paano Gumagana ang isang eSIM?
Kung ang isang eSIM ay kagaya ng aktwal na SIM card na naging digital, katulad din ba ng SIM card ang paggana ng eSIM?
Madalas kaming tinatanong ng ganiyan. At ang maikling sagot ay: Oo.
May opsyon sa Mga Setting ang lahat ng teleponong eSIM-compatible para magdagdag ng cellular plan. (Narito ang mga partikular na tagubilin para sa mga iPhone.) Kapag bumili ka ng data plan mula sa marketplace ng Airalo, magagawa mong i-install ang eSIM nang direkta sa app, sa pamamagitan ng QR-Code, o sa pamamagitan ng manual na paglalagay ng iyong eSIM info. Sandali lang ito at binibigyan ka ng plan na may partikular na dami ng mobile data para sa ibinigay na panahon (depende sa iyong package).
Dapat mong malaman:
- Ang data plan ay hiwalay sa iyong regular na carrier: Nangangahulugan ito na walang napakalaking mga singil sa international data at puwede mo pang patuloy na gamitin ang iyong numero ng telepono.
- Kumokonekta ang eSIM sa mga lokal na network: Gumagana ang mga eSIM na mula sa Airalo sa 190+ bansa, na nagreresulta sa pagiging mas accessible ng mabilis na data kaysa dati.
- Walang kontrata sa Airalo at puwede mong i-renew ang iyong eSIM data plan anumang oras: Wala pang limang minuto ang kailangan para pasahan ng load ang isang data plan o lumipat sa ibang plan.
Pareho lang ba ang Dual SIM sa eSIM?
Hindi naman.
Kapag Dual SIM, ibig sabihin ay puwedeng suportahan ng telepono ang maraming SIM card. Gayunpaman, hindi nangangahulugan na ang pangalawang SIM card ay isang eSIM. Maraming telepono ang sumusuporta sa dual SIM pero hindi ang eSIM. May dalawang aktwal na SIM card slot ang mga ito – madali mong makikita ang mga ito sa tray.
Sinusuportahan ng ibang mga telepono, tulad ng iPhone XR, ang dual SIM na may eSIM.
Anong Mga Telepono Ang Puwedeng Gumamit ng eSIM?
Patuloy na nag-a-update ang listahan, pero palaging mong makokunsulta ang aming listahan ng compatible na mga device ng eSIM.
(Narito ang aming bersyon ng ang 12 pinakamahusay na telepono na puwedeng gumamit ng eSIM.)
Saan Puwedeng (at hindi Puwedeng) Gumamit ng eSIM?
Sa kasalukuyan, puwede kang kumuha ng mga eSIM plan sa higit 200+ bansa at rehiyonmula sa store ng Airalo. Karaniwang sinusuportahan ang mga eSIM ng mga pangunahing carrier ng network sa karamihan ng mga bansa sa Europe, gayundin sa mga commercial center na tulad ng Canada, Hong Kong, India, Qatar, Singapore, Taiwan, at ang US.
May malaking posibilidad na ang isang eSIM data plan ay magiging available saan ka man papunta.
Puwede ka ring gumamit ng eSIM mula sa iyong kasalukuyang operator. Sa karamihang situwasyon, katulad ito ng pag-order ng kapalit para sa iyong aktwal na SIM card. Kailangan mong kontakin ang iyong carrier o, sa ilang situwasyon, pumunta sa isang aktwal na tindahan, kaya siguradong magtatagal ito.
Walang Hangganan ang Adventure – Gayundin ang Mobile Data sa Airalo
Iyon na: Ganoong-ganoon gumagana ang eSIM. Tandaan lang na isa itong aktwal na mga SIM card na naging digital. Bilang chip na nakahinang sa circuit ng iyong telepono, hindi mo ito maiwawala. Karagdagan pa, puwede kang mag-store nang higit sa isa. Nangangahulugan ito na mae-enjoy mo ang access sa lokal na mga data plan (halos) saan ka man papunta.
Walang talong solusyon ito para sa lahat at mabilis itong nagiging mainstream na pangangailangan para sa mga madalas bumiyahe. I-explore ang mga eSIM plan ng Airalo dito.