Ang ibig sabihin ng eSIM ay "embedded SIM." Parang virtual na SIM card ang isang embedded SIM. Dahil nasa device na mismo ang isang embedded na SIM, hindi mo na kailangang magpalit ng mga card para baguhin ang mga data plan mo. Sa halip, puwede kang mag-download ng mga data plan mula sa app ng Airalo, i-install ang mga ito at gamitin ang mga ito kaagad-agad.
Sa katunayan, may parehong functionality ang isang eSIM na kagaya ng regular na SIM, na nagbibigay-daan sa iyong gawin ang lahat kagaya ng:
- Gamitin ang iyong mobile network para sa local data
- Gamitin ang iyong cellular service para tumawag at mag-text
- Mag-screen, mag-scan, mag-store, maghanap, mag-activate at mag-download ng data sa iyong device
- Panatilihin ang iyong numero habang nakakalipat pa rin sa iyong linya ng telepono
- Hindi kailangang mag-alala na sisingilin ka sa roaming
- I-activate ang iyong eSIM plan nang digital sa halip na maglagay ng chip
- Pindutin ang app ng Airalo para ilipat ang data plan mo sa isang lokal, panrehiyon, o pandaigdigang plan
- I-maximize ang paggamit ng data sa pamamagitan ng pagpili sa plan na pinakaangkop sa mga pangangailangan mo
Makakakita ka ng buong gabay para sa Android dito: Gabay sa Android
Ano ang isang eSIM?
Narito ang isang listahan ng mga resource at gabay ng Airalo para sa pag-install, paggamit, at pag-manage sa iyong eSIM:
- Para malaman ang higit pa tungkol sa Airalo, pakibisita angTungkol sa Airalo
- Para sa mga tanong tungkol sa paggamit ng iyong Airalo Airmoney, pag-install ng iyong eSIM sa iOS o Android, at iba pang pangkalahatang troubleshooting, pakibisita ang Help Center ng Airalo.
- Kung may tanong ka na hindi nasagot ng Help Center, pakipunan ang aming contact form o padalhan kami ng email para makontak ang aming support team.
- Kung interesado ka na maging affiliate o makipag-partner sa amin, pakibisita ang aming page ng Mga Partnership.
- Kung gusto mong manatiling updated sa teknolohiya ng eSIM, puntahan ang aming blog.
- Kung naghahanap ka ng mga gabay na video at iba pang online na content, mag-subscribe sa aming channel ng YouTube.
Mga online na resource at gabay ng Airalo
Q: Ano ang ibig sabihin ng SIM?
A: Subscriber Identity Module
Q: Puwede bang pasahan ng load ang eSIM ko?
A: Depende sa eSIM. Puwedeng bilhan ng load online ang iba, o baka kailangan mong bumili ng bagong eSIM kung hindi available ang opsyon sa pag-load. Puwede mong tingnan kung naka-enable ang pag-load ng iyong eSIM sa iyong tab ng "Aking eSIM" na nasa app ng Airalo.
Q: Bakit iba-iba ang presyon ng eSIM?
A: Nag-aalok ang iba't ibang provider ng iba't ibang rate batay sa mga panrehiyong restriksyon, kumpetisyon sa market, at mga regulasyon. Bagaman puwedeng magbago ang presyo ng eSIM depende sa rehiyon, masisiguro mo na nag-aalok ang Airalo ng competitive na market price para sa rehiyon.
Q: Ano ang validity perio ng eSIM?
A: Ang iyong validity period ay nangangahulugan na ang iyong eSIM ay magiging active para sa ibinigay na panahon sa iyong plan. Kung bumili ka ng eSIM na may isang linggong validity period, magiging hindi available ang eSIM isang linggo pagkatapos ng pagbili.
Q: Ano ang aking limit sa data?
A: Nakadepende ang iyong limit sa data sa iyong package at validity period mo. Sabihin nating bumili ka ng eSIM na may 1GB ng data at isang linggong validity period. Kailangan mong bumili ng load o isa pang eSIM package kapag naubos mo na ang iyong data o nag-expire na ang validity period.
May mga tanong pa? Narito kami para tumulong! Kontakin ang aming support team para sa higit pang tagubilin.