Kung nais mong manatiling konektado ngunit ayaw mong mag-abala sa isang pisikal na SIM card, huwag nang maghanap pa. Binibigyan ka ng mga eSIM ng mga kakayahan sa paglalakbay sa ibang bansa nang walang hardware.
Mabilis, lightweight na solusyon ang isang eSIM para mag-access ng mobile data kapag kailangan, nasa abroad ka man, o walang ma-access na aktuwal na SIM card. Sa pamamagitan ng eSIM, puwede kang bumili ng mobile data plan gamit ang app ng Airalo at gumamit ng QR code, manual na i-download, o direktang i-install iyon sa iyong eSIM-compatible na device.
Ganoon lang talaga ito kasimple – pero kailan ba naging ganoon kasimple ang anumang bagay , lalo na may kinalaman sa pandaigdigang paglalakbay?
Naiintindihan namin. Ilang taon pa lang mayroong mga smartphone na may e-Sim support. Kung gusto mong malaman kung paano gumagana ang iyong pandaigdigang eSIM, nasa tamang lugar ka. Pinag-aaralan naming mabuti ang magandang teknolohiyang ito para maintindihan pa lalo ito.
Ano Ang isang eSIM para sa Pandaigdigang Paglalakbay?
Kung naghahanap ka ng mga opsyon sa serbisyo sa telepono para sa susunod mong biyahe sa ibang bansa, napansin mo sigurong medyo limitado ang mga ito. Maraming carrier ang sumisingil ng napakataas na mga pandaigdigang rate (o nag-aalok ng libreng international data sa napakabagal na 2G speed). Siguro ay naisip mong magawan ito ng paraan sa pamamagitan ng hotspot hopping sa Wi-Fi, pero may sariling mga panganib sa seguridad ito – bukod pa sa pagiging hindi available ng Wi-Fi sa lahat ng lugar.
Gayunpaman, kung gumagamit ka ng medyo bagong telepono, posibleng may isa ka pang opsyon na magagamit: eSIM.
Ang isang eSIM, o "embedded subscriber identity module," ay isang chip na naka-embed sa circuitry ng telepono mo. Pinapalitan nito ang tradisyunal na SIM card sa pamamagitan ng pag-asa sa software na maghatid ng data service sa iyong telepono.
Dahil software-based ang mga eSIM, puwede kang lumipat ng mga carrier o plan nang mabilis at madalas sa halip na naka-hardwire ang serbisyo sa isang SIM card. Pumunta lang sa isang eSIM data plan marketplace tulad ng Airalo at pumili ng package na nakakatugon sa mga pangangailangan mo habang nagbibiyahe ka gaano man kaikli o katagal ito.
Malaking tulong ang isang eSIM para sa pandaigdigang paglalakbay dahil hindi mo kakailanganing alisin ang iyong SIM card. Habang bumibiyahe, idi-disable ang pangunahing SIM card mo (malibang piliin mong gamitin ito sa Dual Sim Dual Standby mode). Kapag umuwi ka na, puwede ka na agad magpatuloy sa paggamit ng iyong pangunahing SIM card. Narito ang isang nakakatulong na listahan ng mga smartphone at iba pang mga device na compatible sa eSIM.
Paano gumagana ang Pandaigdigang eSIM?
Lightweight solution ang isang eSIM para makakuha ng pandaigdigang data nang walang sobra-sobrang fee na sinisingil ng mga carrier at ang hirap ng paghahanap ng aktuwal na SIM card sa iyong destinasyon. Kaysa sa bumili ng aktuwal na SIM card na ipinapalit mo sa iyong regular na SIM card, magbabayad ka para sa isang data plan sa pamamagitan ng app na tulad ng Airalo. Pagkatapos, susundan mo ang ilang simpleng hakbang para i-activate ang data plan sa iyong telepono.
Kumokonekta ang mga eSIM sa mga provider ng lokal na serbisyo at tower na nag-aalok ng mga prepaid na eSIM plan. Iniaalok na ng mga provider ang mga ito — pinagsasama ito ng Airalo sa isang kumbinyenteng lugar para matuklasan mo.
Sa bahagi mo, ang isang eSIM ay parang pagkakaroon ng lokal na SIM card, maliban sa gagamitin mo pa rin ang iyong regular na numero (kung na-enable mo ang Dual SIM Standyby – naka-enable ito sa karamihan ng mga device). Kung wala kang Dual SIM tech, gagana ang telepono mo bilang data-only na device, pero puwede ka pa ring mag-text o tumawag sa pamamagitan ng mga serbisyo na tulad ng Whatsapp o Telegram.
Bakit Mas Maganda ang isang Pandaigdigang eSIM kaysa sa isang Lokal na SIM Card?
Ang lokal na mga SIM card ang isa sa mga pinakasikat na opsyon para sa mga biyahero kapag nasa ibang bansa sila. Gayunpaman, hindi lang ang mga iyon ang opsyong interesado ang mga biyahero. Ayon sa isang 2019 survey, pipiliin ng 60 percent ng mga consumer ang isang serbisyo ng eSIM kung available ito sa kanila.
Iyon ay dahil sa ang isang pandaigdigang eSIM ay may ilang natatanging kalamangan sa isang lokal na SIM card. Kabilang sa mga ito ang:
- Mga data plan para sa mga rehiyon kaysa sa mga partikular na bansa: Kung nagbibiyahe ka sa maraming destinasyon sa ibang bansa, kailangan mong bumili ng bagong SIM card sa tuwing nakakarating ka sa ibang bansa. Sa kabaligtaran, ang isang panrehiyong eSIM data plan ay magbibigay-daan sa iyong i-enjoy ang serbisyo sa kabuuan ng biyahe mo.
- Malinaw na ipinapakitang mga local plan na may mga lokal na presyo: Malinaw na ipinapakita ng eSIM marketplace na tulad ng Airalo kung ano ang nakukuha mo at kung magkano ito. Posibleng hindi ganyan palagi ang kaso sa mga tao, kahit pa nakikipag-ugnayan ka sa isang awtorisadong dealer sa isang airport.
- Ang kakayahang bumili ng mga data plan nang maaga: Kaysa ma-stress sa pag-una sa serbisyho sa telepono kapag lumabas ka na ng eroplano, kailangan mo lang i-activate ang eSIM data plan mo sa iyong telepono at handa ka na.
- Maraming eSIM plan na naka-store sa isang telepono: Binibigyang-daan ka ng karamihan sa mga device na mag-store ng maraming eSIM data plan sa isan g device. Mas madali iyon kaysa sa pagsubaybay sa maraming aktuwal na mga SIM card.
- Flexible na mga plan para sa ilang araw, linggo, o buwan kapag kailangan mo: Hinihiling sa iyo ng anumang prepaid na mga local SIM card na magbayad para buong buwan ng serbisyo. Gayunpaman, posibleng mauwi ito sa sobrang pagbabayad mo kung kailangan mo lang ng serbisyo para sa ilang araw o dalawang linggo. Sa kabaligtaran, flexible ang mga eSIM na data plan at puwede mong bilhin ang eksaktong dami ng data o tagal na kailangan mo.
Mag-roam sa Pamamagitan ng Pandaigdigang eSIM
Ngayong alam mo na kung paano gumagana ang isang pandaigdigang eSIM, may isa ka pang tool na magagamit sa susunod na magbiyahe ka. Nangangahulugan ang isan g eSIM ng kalayaan sa mobile data nang walang sakit ng ulo, walang katiyakan sa koneksyon, masakit sa bulsang mga bill. Mas madali na ang connectivity, sa higit 200 bansa at rehiyon na available sa Airalo marketplace.
Pinaplano mo ba ang susunod mong biyahe? Tingnan ang Airalo store dito para makita ang mga naghihintay na posibilidad.