Alam mo ba na maaari kang mag-imbak ng higit sa isang eSIM sa iyong smartphone? Ang pagkakaroon ng maraming eSIM sa iyong device ay may maraming pakinabang at nagbibigay sa iyo ng higit na kalayaan at flexibility kapag naglalakbay ka. At sa paglulunsad ng mga smartphone na eksklusibo para sa eSIM (tinutukoy ka namin, iPhone 14), tanging panahon na lamang bago ang eSIM ay maging pamantayan para sa pandaigdigang konektibidad.
Handa ka na bang sumabak? Narito ang mga detalye sa pag-i-install, pagpapatakbo, at pamamahala ng maramihang eSIM sa iyong smartphone.
Ano ang isang eSIM?
Una sa lahat: Ano nga ba ang eSIM? Ang eSIM ay isang nakakabit na SIM card (ito ang ibig sabihin ng "e"). Hindi tulad ng pisikal na SIM na nakalagay sa SIM card tray ng iyong telepono, ang eSIM ay nakabuilt-in sa iyong aparato. Gumagana ito tulad ng isang tradisyonal na SIM sa pamamagitan ng pagkilala sa iyo bilang isang mobile na customer at pag-uugnay sa iyo sa network ng isang carrier. Ngunit ginagawa nito ang lahat sa paraang digital.
Sa tradisyonal na paraan, kailangan mong bumili ng bagong pisikal na SIM card upang palitan ang iyong carrier o data plan. Ito ay maaaring pahirap na paraan para sa atin. Karaniwan itong nangangailangan ng pakikipag-ugnayan sa iyong carrier, pagpila upang makakuha ng bagong SIM, o paghihintay para dumating ito sa pamamagitan ng koreo.
Sa isang eSIM, ang prosesong ito ay sobrang simple. Maaari kang kumonekta sa isang bagong network sa pamamagitan ng pag-download at pag-install ng eSIM data plan. Ito ay tumatagal lamang ng ilang minuto at maaaring gawin kahit saan. Madali diba?
Maaari ba Akong Gumamit ng eSIM sa Aking SIM Card?
Ang karamihan sa mga smartphones ngayon ay Dual SIM — maaari silang magtaglay ng higit sa isang SIM o eSIM ng sabay. Ito ay nagbibigay sa iyong aparato ng kakayahan na kumonekta sa dalawang magkaibang network nang sabay-sabay.
Ang isang Dual SIM device ay maaaring magkaroon ng dalawang SIM trays, isang SIM tray at isang eSIM, o (tulad ng US-model iPhone 14) ay eSIM lamang. Kung ang iyong device ay carrier-unlock at eSIM-compatible, maaari kang gumamit ng maraming SIM at/o eSIM nang sabay-sabay.
Ilan sa mga paraan upang gamitin ang eSIM kasama ang iyong pisikal na SIM ay:
- Gamitin ang iyong eSIM upang kumonekta sa lokal na network kapag naglalakbay.
- Gamitin ang iyong eSIM bilang isang linya ng negosyo at ang iyong SIM bilang isang personal na linya.
- Gamitin ang iyong eSIM para sa data at ang iyong SIM para sa mga serbisyo ng boses at text.
Ilang eSIM ang Maaari Ko Idagdag sa Aking Device?
Dahil ang eSIM ay gumagana nang 100% sa digital na paraan, walang itong pisikal na limitasyon (halimbawa, isang SIM tray) sa dami ng mga plano na maaari mong i-install sa iyong device. Gayunpaman, ang eksaktong bilang ng mga eSIM na maaari mong i-store at aktibong gamitin ay depende sa device manufacturer at sa kapasidad ng storage.
iPhone eSIMs
Maaari kang mag-install ng lima o higit pang eSIM sa isang iOS device, at dalawang eSIM ang maaaring aktibo sa isang pagkakataon. Paki tandaan na maaaring mag-iba ito depende sa iyong bansa at carrier (halimbawa, ang mga iPhone sa mainland China ay hindi eSIM-compatible).
Mga Android eSIM
Kung mayroon kang Samsung, Google, Huawei, o iba pang Android device, nag-iiba-iba ang bilang ng mga eSIM na maaari mong i-install at maging aktibo sa isang pagkakataon. Karamihan ay nagbibigay-daan para sa lima hanggang pitong eSIM, na may isang aktibo sa isang pagkakataon.
Mga Benepisyo ng Pagkakaroon ng Maramihang eSIM
Mayroong ilang benepisyo ng pagkakaroon ng maraming eSIM sa iyong device. Ang pagkakaroon ng higit sa isang eSIM profile ay nagbibigay sa iyo ng higit na kalayaan at flexibility. Narito kung paano:
- Madaling magpalipat-lipat ng mga data plan sa pamamagitan ng pag-on o pag-off ng mga linya ng eSIM.
- Hindi na kailangang pamahalaan ang maraming pisikal na SIM card — ang iyong mga eSIM plan ay naka-imbak nang digital sa iyong device.
- Mag-imbak ng mga eSIM plan para sa mga destinasyong madalas mong pinuntahan (hal., sa negosyo).
- Panatilihing aktibo ang numero ng iyong telepono sa bahay habang nagpapalipat-lipat ka ng mga linya para sa pag-access ng lokal na data.
- Mag-install ng mga eSIM para sa mga multi-country trip (o bumili ng panrehiyon o pandaigdigang eSIM para pasimplehin ang iyong saklaw).
Pamamahala ng Maramihang eSIM
Magpaalam sa iyong kumplikadong SIM card filing system. Ang pamamahala ng maraming eSIM ay mas simple. Narito kung paano i-install, i-activate, at pamahalaan ang iyong mga eSIM.
Paano Mag-install ng Maramihang eSIM
Isipin natin na maglalakbay ka sa Spain, Portugal, at Morocco. Gusto mong i-install ang iyong mga eSIM bago ka umalis, upang kaagad kang makakonekta sa lokal na network sa bawat destinasyon. (Mapapansin na ang ilang mga plano ng eSIM ay mag-a-activate kapag na-install na — siguraduhing suriin ang mga detalye ng iyong package upang maiwasan ang pagsisimula ng validity period ng mas maaga pa sa iyong takdang oras.
Narito ang mga hakbang para mag-install ng Airalo eSIM para sa iyong biyahe:
- Pumunta sa tindahan ng Airalo o i-download ang Airalo app (iOS | Android).
- Hanapin ang unang bansa o rehiyon na pupuntahan mo.
- Pumili ng eSIM plan batay sa dami ng data na kailangan mo (hal., 1GB, 3GB, 5GB) at kung gaano katagal mo ito kailangan (hal, 7 araw, 15 araw, 30 araw).
- Sundin ang mga tagubilin sa pag-install. Maaari kang mag-install ng Airalo eSIM nang direkta, manu-mano, o gamit ang isang QR code.
- Ulitin para sa iba pang mga destinasyon sa iyong biyahe.
Pro Tip: Kung ikaw ay maglalakbay sa maraming bansa sa parehong rehiyon (halimbawa, Italy, Spain, at Portugal), subukan ang isang regional eSIM sa halip.
Paano Lumipat sa Pagitan ng mga eSIM
Bumili ka ng isang eSIM para sa Spain, Portugal, at Morocco. Pero ano ang gagawin mo kapag nakarating ka na sa bawat destinasyon?
Mag-a-activate ang bawat isang eSIM na ito kapag kumonekta ka na sa isang sinusuportahang network sa iyong destinasyon. Kung ikaw ay naglalakbay mula sa Spain patungo sa Portugal, mag-navigate lang sa cellular data settings ng iyong device, patayin ang iyong Spanish eSIM, at buksan ang iyong Portugal eSIM.
Tandaan na kahit na patayin mo ang isang eSIM, magpapatuloy pa rin ang validity period. Kaya kung babalik ka sa Spain bago ka umuwi, maaaring kailanganin mong mag-top up ng iyong eSIM upang magamit ito muli.
Kailan Dapat I-delete ang isang eSIM?
Nakakatuwa ang iyong biyahe at maganda ang koneksyon mo gamit ang iyong Airalo eSIM. Ano ng susunod dito? Well, mayroon kang ilang mga pagpipilian!
Nagustuhan mo ba ang Morocco at nais mong magbalik? Pwedeng panatilihing nakainstall ang iyong Morocco eSIM at i-off ito sa iyong mga setting sa cellular data kapag hindi mo ginagamit. Kung mayroon itong top-up package, maaari mo itong i-top up at i-on ito pagbalik mo sa Morocco.
Maituturing mo ba itong once-in-a-lifetime kind of trip? pwede mong alisin ang iyong mga eSIM. Narito kung paano:
- Pumunta sa mga setting ng mobile/cellular ng iyong aparato.
- I-tap ang eSIM na gusto mong tanggalin.
- Piliin ang "Tanggalin ang Plano sa Mobile Data" o "Tanggalin ang eSIM."
- Ulitin para sa mga eSIM na gusto mong alisin sa iyong device.
At nandito ka na para mag-install at pamahalaan ng maramihang eSIM sa iyong device! Magplano nang maaga para sa susunod mong biyahe at mag-browse ng mga eSIM para sa 200+ mga bansa at rehiyon mula sa Airalo.