Kung ikaw ay nagkaroon na ng karanasang gumamit ng isang pysical SIM card (na tiyak naming naranasan mo na), maaring hindi na din lingid sa iyong kaalam ang benepisyo ng paggamit ng isang eSIM. Wala ng dahilan para ito ay hindi mo magustuhan, mula sa mabilisang koneksyon habang ikaw ay nasa byahe hanggang sa simpleng pag-i-install at pag-activate.
Ang mga eSIM Providers kagaya ng Airalo ay tutulong sa iyo upang mapanatiling konektado saan ka man magpunta. Sinisiguro namin na mabigyan kayo ng mabilis at madaling paraan ng konektibidad sa higit 200 na mga bansa at sa iba't ibang rehiyon sa mundo.
Tulad ng anumang bagong teknolohiya, maaaring kailangan mo ng kaunting tulong sa pagsisimula. Sa artikulong ito, dadalhin ka namin sa mga hakbang para sa pag-install at pag-activate ng iyong Airalo eSIM.
Pumunta sa:
- Paano mag-install at mag-activate ng Airalo eSIM sa apat na hakbang lamang
- Pag-install ng eSIM
- Pag-activate ng eSIM
- Local, Regional, at Global eSIM
- Mga benepisyo ng paggamit ng Airalo eSIM
- Mga madalas itanong (FAQ) tungkol sa mga Airalo eSIM
Paano Mag-activate ng Airalo eSIM sa 4 na Hakbang Lamang
Bago mo i-install at i-activate ang iyong eSIM, tiyaking ang iyong device ay:
- Carrier-unlocked. Nangangahulugan ito na ang iyong device ay walang kontrata sa isang mobile carrier na maaaring magdulot ng limitasyon; tulad ng pagbabawal sa paggamit ng eSIM. Kung direkta mong binili ang iyong device, nang walang anumang mga kasunduan sa serbisyo ng mobile carrier, mas malaki ang posibilidad na ito ay unlocked. Kung hindi sigurado, inirerekomenda naming makipag-ugnayan sa iyong carrier para mag-double check!
- eSIM-compatible. Kung mayroon kang smartphone na may manufacturing date noong 2018 o higit pa, malaki ang posibilidad na eSIM compatible ito. Makikita sa komprehensibong listahan ng eSIM-compatible devices kung ang iyong smartphone ay kasama.
Ngayong nakumpirma mo na ang iyong device ay carrier-unlocked at eSIM compatible, maaari mo ng sundin ang apat na hakbang na ito para i-install at i-activate ang iyong eSIM!
Unang Hakbang: Pagbili ng eSIM
Una, kakailanganin mong bumili ng eSIM. Narito kung paano:
- Pumunta sa Airalo website o i-download ang Airalo app (magagamit sa iOS at Android).
- Pumili ng eSIM para sa destinasyong pupuntahan mo.
- Isaalang-alang ang mga salik tulad ng data allowance, validity period, at presyo nito.
Ikalawang Hakbang: I-install ang Iyong eSIM
Kapag nabili mo na ang iyong eSIM, kakailanganin mong i-install ito sa iyong device. Bago simulan ang proseso ng pag-install, tiyaking mayroon kang mabilis at stable na Wi-Fi connection.
Narito ang tatlong iba't ibang uri at paraan ng pag-install.
- Direct: Pumunta sa Airalo app at sundin ang mga sunud-sunod na prompt para i-install ang iyong eSIM.
- QR Code: Mag-scan ng QR code upang simulan ang proseso ng pag-install.
- Manual: Manu-manong ilagay ang mga detalye ng iyong eSIM sa seksyong Mga Setting ng iyong device.
Para sa higit pang mga detalye kung paano i-install ang iyong eSIM, sundin ang mga hakbang na nakabalangkas sa mga link na ito:
- Gabay sa iOS/iPhone eSIM
- Gabay sa Android eSIM
- Gabay sa Samsung Galaxy S20/S21 eSIM
- Gabay sa Google Pixel eSIM
- Gabay sa Huawei eSIM
Habang sinusunod mo ang mga hakbang sa pag-install, ipo-prompt kang lagyan ng label ang iyong eSIM. Halimbawa, kung bumibisita ka sa Egypt, maaari mong lagyan ng label ang iyong linya bilang "Egypt eSIM" upang makilala ang iyong pangunahing SIM at ang iyong eSIM. Pinapadali nito ang ating pamumuhay– lalo na sa paggamit ng SIM Card para sa pagtawag at pagtexts, pati na rin sa pag konekta sa data.
Ikatlong Hakbang: I-activate ang Iyong eSIM
Makikita sa eSIM's Activation Policy ang validity period ng isang eSIM. Mayroong dalawang uri ng mga patakaran sa pag-activate ng eSIM:
- Magsisimulang ma-activate ang eSIM sa oras na kumonekta na ito sa supported network ng iyong destinasyon. Karamihan sa mga eSIM ay mag-a-activate kapag binuksan mo na ang eSIM line at kumonekta na ito sa supported local network. Magsisimula na din ang validity period ng eSIM at maaari mo na itong gamitin.
- Mga eSIM na mag-a-activate sa pag-install pa lamang. Mag-a-activate kaagad ang ilang eSIM sa pag-install – kahit na hindi ka pa umalis ng bahay. Para sa mga eSIM na nag-a-activate kaagad, inirerekomenda naming i-install ito ilang oras lamang bago ka maglakbay para hindi masayang ang data.
Mahahanap mo ang patakaran sa pag-activate sa iyong eSIM sa Karagdagang Impormasyon seksyon:
- Buksan ang Airalo app.
- Piliin ang eSIM na gusto mong bilhin.
- I-tap ang BUMILI NGAYON para tingnan ang mga detalye nito (huwag mag-alala, hindi mo pa kailangan bumili ng eSIM).
- Mag-scroll pababa sa Karagdagang Impormasyon.
- Basahin ang Patakaran sa Pag-activate.
Ika-apat na Hakbang: Kumonekta sa isang Lokal na Network
Ngayong alam mo na ang dalawang uri ng mga patakaran sa pag-activate ng eSIM, suriin natin ang mga hakbang upang i-on ang iyong linya ng eSIM at kumonekta sa isang lokal na network.
Narito kung paano i-on ang iyong linya ng eSIM sa iPhone:
- Pumunta sa Mga Setting.
- I-tap ang Cellular.
- I-tap ang iyong linya ng eSIM.
- I-on ang Linya na Ito.
- I-on ang Data Roaming.
- I-tap ang Network Selection at pumili ng suportadong network (maaari kang makakita ng listahan ng mga network sa Karagdagang Impormasyon seksyon ng eSIM).
At kung paano gawin ito sa Android:
- Pumunta sa Mga Setting.
- I-tap ang Network at Internet.
- I-tap ang Mobile Network.
- I-on ang iyong eSIM.
- I-on ang Mobile Data.
- I-on ang Data Roaming.
- Pumili ng suportadong network (makikita mo ito sa Karagdagang Impormasyon seksyon ng eSIM).
Pagpili ng Local, Regional, o Global Airalo eSIM
Ang paggamit ng Airalo eSIM ay nagbibigay-daan sa iyong kumonekta sa mahigit 200 bansa at rehiyon sa buong mundo.
Maaari kang pumili ng eSIM package batay sa iyong mga pangangailangan. Pumili mula sa isang:
- Local eSIM: Kung pupunta ka sa isang bansa o isang destinasyon, maari mong piliin ang Local eSIM. Ang ganitong package ay tutulong sa iyo upang manatiling konektado sa data habang nasa iisang bansa.
- Regional eSIM: Kumonekta sa iba't ibang magkakalapit na bansa ng hindi na kailangan magpalit ng eSIM. Ang ganitong uri ng package ay nagbibigay sa iyo ng saklaw sa ilang bansa sa isang partikular na rehiyon. Ito ay perpekto kung ikaw ay mag-island hopping, pupunta sa isang European trip, o naghahanap ng adventure sa Africa!
- Global eSIM: Kung gusto mong maglakbay sa mundo, ang Global eSIM ay ang perpektong solusyon para manatiling konektado. Ang isang Global eSIM plan ay nagbibigay sa iyo ng saklaw sa ilang destinasyon sa buong mundo.
Mga Benepisyo ng Paggamit ng Airalo eSIM
Ang mga eSIM ay mayroong mas maraming benepisyo kaysa sa mga tradisyonal na SIM card, tulad ng instant na koneksyon sa paglalakbay at higit pa. Ang paggamit ng eSIM mula sa Airalo ay may maraming benepisyo, kabilang ang:
- Walang bayad ang roaming. Ang mga package ng Airalo eSIM ay prepaid. Magbabayad ka lang para sa data na binili mo nang maaga o top-up habang nasa daan.
- Hindi konektado sa isang kontrata na maaaring magdulot ng mga limitasyon. Maaari mong piliin ang eSIM data plan na pinakaangkop sa iyong mga pangangailangan at maari mo rin itong palitan ano mang oras na kailangan
- Maaari kang kumonekta tulad ng isang lokal. Nakikipagtulungan ang Airalo sa mga lokal na provider upang matiyak na makukuha mo ang pinakasulit na presyo at serbisyo sa panahon ng iyong pagbiyahe.
- Makipag-ugnayan sa amin 24/7. Available ang aming team maglingkod 24/7, para makuha mo ang suporta na kailangan mo, anuman ang iyong time zone.
FAQ Tungkol sa mga Airalo eSIM
Maaaring mayroon kang ilang katanungan sa paggamit ng Airalo eSIM para sa iyong mga pangangailangan sa paglalakbay.
Gaano katagal bago ma-activate ang aking eSIM?
Hindi ito nangangailangan ng mahabang oras!
Depende sa patakaran sa pag-activate ng iyong eSIM, mag-a-activate ito sa sandaling i-install mo ito o kapag kumonekta ka sa isang sinusuportahang network sa iyong patutunguhan.
Sa parehong mga kaso, kailangan mong i-on ang iyong linya ng eSIM at kumonekta sa isang sinusuportahang network upang magamit ang iyong data ng eSIM.
Kailangan ko bang i-reactivate ang aking eSIM kapag natapos na ang aking package?
Hindi na kailangan! Ang iyong Airalo package ay mayroon nang naka-preload na data, batay sa package na iyong binili. Kung maubos ang iyong data o mag-expire ang validity period mo, madali kang makakapag-top-up sa iyong Airalo app.
Kung walang opsyon sa top-up ang iyong eSIM package, maaari kang mag-download ng isa pang eSIM package para manatiling konektado.
Ano ang maaari kong gawin sa aking Airalo eSIM?
Magagawa mo ang parehong mga bagay sa isang Airalo eSIM gaya ng gagawin mo sa isang tradisyonal na SIM, kabilang ang: pagkonekta sa isang mobile network, pag-browse sa internet, paggamit ng iyong mga paboritong app, at paggamit ng internet-based na pagtawag at mga app sa pagmemensahe (tulad ng WhatsApp).
Maaari ko bang gamitin ang aking SIM at eSIM nang magkasama?
Oo! Ang karamihan sa mga device ay magbibigay-daan sa iyo na gumamit ng maraming SIM at eSIM nang sabay-sabay. Magagamit mo ang iyong home network SIM para sa mga tawag at SMS, at ang iyong eSIM para sa data.
Kung mayroon ka pa ring mga tanong kung paano i-activate ang isang eSIM, bisitahin ang aming Help Center o i-drop sa amin ang isang email sa [email protected].
Gustong gumamit ng eSIM para manatiling konektado sa iyong biyahe? Mag-browse sa Airalo eSIMs para kumonekta sa 200+ na bansa at rehiyon.