Papunta sa ibang bansa para sa isa pang adventure? Siguraduhing alam mo kung paano lumipat sa pagitan ng mga SIM card sa iyong iPhone.
Sikat na paraan ang paglipat sa isang lokal na aktwal na SIM card para maiwasan ang mamahaling roaming fee o mga international na singil. Kadalasan, makakakuha ka ng isa sa airport o makakahanap ng isa sa bayan.
Bago mo iyon gawin, gumugol ng sandali para ipaalala sa sarili ang ilang mahahalagang punto ng mga SIM card ng iPhone. Narito ang scoop sa mga ito, at lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa paglipat sa pagitan ng mga SIM card habang bumabiyahe ka.
Ang Kailangan mong Malaman Bago ka Magpalit ng Mga SIM Card sa isang iPhone
Iniisip ng maraming tao kung talagang puwede ka lang magpalit ng mga SIM card sa isang iPhone. Oo, puwedeng-puwede. Gayunpaman, may ilang bagay na kailangang alamin bago mo ito gawin:
- Kung plano mong gumamit ng third-party na SIM card, dapat na naka-unlock ang iyong telepono: Hindi ito magiging problema kung direkta mong binili ang iyong telepono sa Apple dahil karaniwan na nilang ibinebenta ang mga ito nang naka-unlock. Gayunpaman, kung binili mo ito sa isang carrier – lalo na sa U.S. – malamang na naka-lock ito. Karaniwan na, sapat na ang pagtawag lang sa iyong carrier at pagpapaliwanag na babiyahe ka sa ibang bansa para i-unlock nila ito. Gayunpaman, hindi ito parating gumagana, dahil mas gusto ng mga carrier na gamitin mo ang kanilang international na mga data plan. Sa ganitong situwasyon, gumamit ng third-party na alternatibo para i-unlock ang iyong telepono.
- Hindi naka-store sa SIM card mo ang iyong mga contact, app, at data: Hindi kagaya ng ibang mga smartphone, hindi naglalagay ang mga iPhone ng mga detalye na tulad ng mga contact sa SIM card. Sa halip, naka-back up sa cloud storage ang lahat ng iyong impormasyon. Nangangahulugan ito na kapag inalis ang iyong SIM card habang bumabiyahe ka, hindi nito maaapektuhan ang kakayahan mong i-access ang iyong impormasyon. Ang tanging data na aktwal na nasa iPhone SIM card mo ay ang iyong customer data. Ginagamit iyon ng Apple para tumulong na ma-track ang telepono mo.
- Gumagamit ng nano-SIM card ang lahat ng kasalukuyang iPhone: Mahalagang tandaan na ang lahat ng iPhone na ginawa simula noong 2012 ay gumagamit ng nano-SIM card. Ito ang mga pinakamaliit na SIM card na kasalukuyang available sa market. Tandaan, dahil may mga smartphone pa rin na gumagamit ng mga micro-SIM card, posibleng mali ang mabili mo sa ibang bansa kung hindi ka mag-iingat.
Paano Mag-alis ng SIM card mula sa isang iPhone
May mga slot ng SIM card ang lahat ng iPhone na makikita sa gilid ng mga ito. Para sa mga iPhone, ang SIM tray ay makikita sa kaliwa o kanang bahagi. Kung tumitingin ka sa gilid, may makikita ka dapat na maliit na hugis oblong na may katabing pinhole. Iyon ang slot ng SIM card mo. Habang naka-off ang telepono mo, sundan ang mga hakbang na ito para alisin ang iyong SIM card.
Photo credit: Brett Jordan
Ipasok ang SIM-Eject Tool
Ipasok ang SIM-eject tool nang diretso sa pinhole. Ang isang paperclip ay puwedeng gamitin kung wala ka nito. Kung nahihirapan kang maghanap ng paperclip na kakasya, puwede ring gumamit ng kakasyang hikaw. Ipasok itong mabuti, may mararamdaman ka dapat na click. Tandaan na hindi mo ito kailangang puwersahin.
Pagkatapos ng click, mag-e-eject ang tray.
Alisin ang SIM Card
Madaling maaalis ang SIM card sa tray. Huwag subukang puwersahin kung na-stuck ito, dahil posibleng nabaluktot ang iyong tray. Gayundin, huwag gumamit ng tweezers o anumang matigas para matanggal ito dahil posibleng magasgas ang card. Itago ang iyong card sa isang lugar na ligtas (o maglagay ng isa pang SIM card sa telepono mo) at handa ka na.
Paano Magdagdag ng SIM Card sa isang iPhone
Ang pagdaragdag ng SIM card sa isang iPhone ay kasing dali lang ng pag-aalis nito. Sundan lang ang mga hakbang na ito:
- Buksan ang tray: I-off ang iyong telepono, pagkatapos ay sundan ang mga hakbang sa itaas para buksan ulit ang tray. Hilahin ito palabas bago ilagay ang iyong SIM card.
- Hanapin ang naka-clip na sulok: Para tulungan kang malaman kung paano ipupuwesto ang SIM card sa telepono, mapapansin mo na mukhang "naka-clip" ang isang sulok. Itugma ang sulok sa iyong SIM card sa slot na nasa tray.
- Ipasok ang SIM card: Ilagay ang SIM card sa tray nang tuwid hangga't posible. Huwag subukang ipasok ito nang nakaanggulo dahil posibleng hindi ito pumasok nang tama. Gayundin, iwasang mahawakan ang bahaging ginto ng SIM card habang ginagawa ito para maiwasang mapahiran ito ng langis o dumi mula sa mga daliri mo. I-slide ang tray pabalik sa telepono. Sasara dapat ito nang may click.
Paano Lumipat sa Pagitan ng Mga eSIM sa iPhone
Hindi mo ba gusto ang palipat-lipat sa mga maliit na SIM card na iyon sa iyong iPhone? Mas madali ang paggamit ng isa o tatlong eSIM.
Ang Dual SIM at eSIM ay dalawang teknolohiya na sikat sa mga madalas magbiyahe. Binibigyan-daan ka ng paggamit sa mga ito na panatilihin ang iyong numero ng telepono habang bumabiyahe at naiiwasan ang mga magastos na data package na mula sa mga domestic na carrier. Kumbinyente, abot-kayang solusyon ito para manatiling konektado habang bumabiyahe.
Nauugnay: Mga International SIM Card para sa mga iPhone: Ang Kumpletong Gabay
Lubos naming tinalakay ang tungkol sa paggamit ng mga eSIM sa bawat compatible na bersyon ng iPhone dito, pero may ilang bagay na kailangan mong gawin para lumipat sa mga eSIM nang walang hirap habang nasa ibang bansa ka.
1. Bilhin ang Iyong (mga) eSIM Data Plan
I-browse ang eSIM store para sa mga napili mong destinasyon at bilhin ang mga plan na gusto mong gamitin. Puwede kang bumili ng ilan sa mga ito at i-load ang lahat ng ito nang sabay-sabay sa iyong iPhone para i-activate sa ibang pagkakataon.
2. Magdagdag ng Cellular Plan sa Iyong iPhone
Kapag bumili ka ng plan, tatanggap ka ng mga tagubilin sa pag-install. Sundin ang mga tagubiling ito para ma-activate ito:
- May tatlong para mag-install ng eSIM sa iyong iPhone: Direktang Pag-install, Manual na pag-install at Pag-install gamit ang QR Code.
- Pindutin ang “Na-detect na Cellular Plan” kapag lumabas ito, pagkatapos ay ang “Magpatuloy”. Pagkatapos ay ang “Magdagdag ng Cellular Plan.”
- Ilagay ang confirmaction code na ibinigay kung hihingin.
- Kung bumili ka ng maraming plan, ulitin hanggang sa maidagdag mo ang lahat ng ito.
3. Lumipat nang Madali sa Pagitan ng Mga eSIM
Para lumipat sa pagitan ng mga eSIM data plan na binili mo, sundan ang mga hakbang na ito:
- Mag-navigate sa "Mga Setting".
- Pindutin ang "Cellular/Mobile Data".
- Piliin ang plan na gusto mong gamitin at pindutin ang "I-on ang Linyang Ito".
Pagod na sa Pagpapalit ng Mga SIM Card? Tumuklas ng Mas Simpleng Alternatibo gamit ang Mga eSIM mula sa Airalo
Bagaman posibleng-posibleng lumipat sa pagitan ng mga SIM card sa isang iPhone, bakit pa magpapakahirap? Sinasagot ng eSIM ang maraming matagal nang hamon na madalas harapin ng mga biyahero kapag sinusubukang mag-access ng mobile data sa ibang bansa. Kung mayroon kang iPhone XR o mas bago at may iOS 12.1, compatible sa eSIM ang iyong device.
Manatiling nakapokus sa adventure, hindi sa pagkakalikot ng maliit na hardware. Mamili ng mga Airalo eSIM plan ngayon.