Mga roaming fee...
Paboritong secret weapon ito ng mga domestic carrier. Kung gagamitin mo ang iyong telepono sa ibang bansa, malaki ang tyansa na magkaroon ng mataas na roaming fees kahit anong ingat pa ang gawin mo.
Karamihan sa mga biyahero ay nakakatanggap ng mataas na bill ng telepono kung saan ito ay ilang daang dolyar na mas mataas kaysa inaasahan. Maaring ilang ulit ka na rin nakarinig ng mga istorya tungkol sa mga hindi kapani-paniwalang roaming charges.
Mabuti na lang ay may ilang hakbang na puwede mong gawin para makatipid sa mga roaming fee habang bumibiyahe.
Mangingibang-bansa ka man nang mahabang panahon o papasyalan ang iyong pamilya sa kalapit na bansa, narito ang apat na pamamaraan para masigurong hindi ka uuwi ng may hindi inaasahang roaming charges.
Apat na Pamamaraan Para Makatipid sa Mga Roaming Fee Habang Nagbibiyahe
Kung hindi mo na i-OFF ang iyong data bago ka bumyahe, asahan mo na ang mas mataas na rate sa iyong bills kumpara sa nakasanayan.
Kung papunta ka sa ibang bansa, may ilang ruta na puwedeng gamitin para matulungan kang makatipid sa mga roaming fee habang nagbibiyahe. Walang isang tamang paraan, kaya narito ang apat na diskarteng puweden isaalang-alang. Bawat isa ay may mga kalamangan, kaya isiping mabuti kung ano ang kakailanganin sa susunod mong biyahe.
1. Makipag-ugnayan sa Iyong Carrier Sa Mas Maagang Panahon
Bago ka bumiyahe, makipag-ugnayan sa iyong carrier para sa mga opsyon na maaari mong isaalang-alang sa pagkuha ng data plans. Ang ilang carriers ay nag-aalok ng libreng international data plan. Kadalasan ay hindi ito ang pinakamurang mga phone plan, pero posibleng mas sulit ito kung palagi kang bumibiyahe.
Gayundin, nag-aalok ang ibang mga carrier ng libreng international data para sa ilang bansa, o libreng data sa buong mundo … sa mga speed na 2G. Kung gayon, maari mo itong maging opsyon.
Panghuli, posibleng mag-alok ang iba ng mga data plan para sa maikling panahon. Posibleng mag-iba-iba ang mga rate ayon sa bansa, rehiyon, o tagal, kaya siguruhin na magtanong.
2. Umasa sa Local Wi-Fi
Maraming biyahero pa rin ang umaasa sa Wi-Fi Hotspot sa mga lugar na kanilang madadaanan o tutuluyan. Ito ay isa sa mga nakagawian ng pamamaraan sa maraming urban areas. Gayunpaman, hindi magiging madali ito para sa mga remote areas.
Ang pag depende sa local Wi-Fi ay tuluyang pag-disable sa iyong data. Ibig sabihin, io-off mo ang data sa mga setting. Huwag umasa sa airplane mode dahil posible pa ring tumatakbo ang mga background service na gumagamit ng data.
Para sa mas siguradong paraan, marami ang nag-aalis ng mga SIM card sa kanilang telepono. Kailangan mo ng ligtas na lugar para itago ito.
Gagana pa rin ang telepono mo sa Wi-Fi kahit walang data. Karagdagan pa, mananatiling aktibo ang mga emergency service. Magagamit mo ang GPS kung na-download mo ang mga lokal na mapa sa Google Maps. Sulitin ito dahil makakatulong ito sa iyong pupuntahan. Pagkatapos nito:
- Maghanap ng mga coffee shop na nag-a-advertise ng libreng WiFi.
- Tingnan kung puwede mong ma-acces ang libreng WiFi sa mga pampublikong library o iba pang mga municipal na gusali.
- Pag-isipan ang pagkuha ng coworking membership kung freelancer ka.
- Mag-ingat sa pag-access ng mga kaduda-dudang WiFi network, lalo na mga open network sa mga alanganing lugar.
3. Kumuha ng Loka na SIM Card
Isa pang paraan na ginagawa ng maraming manlalakbay habang nasa ibang bansa ang paggamit ng mga lokal na SIM card. Bumili ng SIM card sa iyong destinasyon at ilagay ito sa iyong telepono. Makakakuha ka ng lokal na numero gayundin ng access sa data sa mga lokal na network. Kung masusunod ang tamang gabay, maaring makatipid at ito ang magiging madaling paraan para manatiling konektado habang nasa biyahe.
Gayunpaman, hindi sa lahat ng pagkakataon ito ay puno ng magandang dulot. Bagaman hindi ganun kahirap ang pagbili ng lokal na SIM Card, posible pa rin maharap sa ilang pagkakamali. Halimbawa:
- Posibleng makabili ka ng SIM card na hindi ibinibigay kung ano ang naka-advertise.
- Posibleng masingil ka nang mahal.
- Posibleng makabili ka nang hindi sinasadya ng maling uri ng card para sa telepono mo.
Hindi imposibleng mangyari ang mga ito dahil na rin sa language barrier o kapag bumili ka sa isang hindi awtorisadong dealer.
4. Kumuha ng eSIM
Panghuli, mayroon kabang device na puwede ang eSIM?
Ang ibig sabihin ng eSIM ay embedded SIM card. Maliit itong chip na nakahinang sa circuitry ng iyong telepono. Para magamit ito, kailangan mong mag-download ng data pack mula sa isang provider o marketplace. Kapag na-activate na ito, magkakaroon ka kaagad ng data at connectivity.
Napakaraming pakinabang ng paggamit ng eSIM, ito ay maituturing na mabilis at madaling paraan. Gayundin, puwede kang mag-download ng maraming data pack at lumipat sa pagitan ng mga ito kapag kailangan habang bumibiyahe ka. Dahil nakikipag-partner sa mga carrier ang karamihan sa marketplace, maa-access mo rin ang mga data plan sa lokal na mga presyo, na nagreresulta sa pagiging sulit na opsyon ang eSIM.
Ang isa pang magandang bagay sa paggamit ng eSIM ay maari itong magamit sa mga phone na may Dual SIM. Nangangahulugan ito na hindi mo na kailangangn tanggalin ang domestic SIM card mo sa iyong telepono. Sa halip, io-off mo lang ang data para sa SIM card na iyon, pagkatapos ay magpapatuloy sa paggamit ng voice at text nang normal habang ginagamit ang data pack sa iyong eSIM. Dahil madalas nag-aalok ang mga carrier ng murang international texting at calling, napakahusay na paraan nito para makatipid sa mga roaming fee habang bumibiyahe. Karagdagan pa, posibleng kakailanganin mo ang iyong karaniwang numero para sa mga authentication.
Makatipid sa Mga Roaming Fee Habang Nagbibiyahe gamit ang Airalo
Posibleng sobrang taas ng mga roaming fee, pero hindi mo kailangang magbayad para sa mga ito sa tuwing nasa ibang bansa ka. Napag-usapan natin ang ilang diskarte na puwede mong gamiting para makatipid sa mga roaming fee habang bumibiyahe at magkaroon pa rin ng antas ng connectivity na kailangan mo habang nasa ibang bansa ka.
Mula sa pag-asa sa mga Wi-Fi hotspot hanggang sa pagbili ng isa o tatlong eSIM, may kasing daming paraan para masolusyunan ang connectivity sa dami ng bihaye sa ibang bansa. Huwag magpasilo sa ilang mahal na data plan o gugulin ang bakasyon mo nang nag-aalala tungkol sa magiging bill sa telepono mo sa pag-uwi mo. Sa halip, gamitin ang isa o lahat ng mga travel hack na ito at i-enjoy ang adventure.
Tingnan ang Airalo marketplace ngayon para matuklusan ang pinakamurang mga eSIM plan.