Simula ng inilabas ang orihinal na iPhone noong 2007, isa ang Apple sa top five na mga provider ng smartphone sa buong mundo. Sa pagtatapos ng 2020, hawak ng Apple ang 13.9 porsyento ng global smartphone market share. Iyon ay isa sa anim na tao sa buong mundo.
Bagaman ganap na ligtas na dalhin ang iPhone mo (hangga't gagawin mo ang ilang bagay nang maaga) sa mga biyahe mo, hindi palaging malinaw na may mga opsyon ka para makakuha ng serbisyo sa ibang bansa.
Isa sa mga opsyong iyon ay ang international na SIM card. (Hindi, hindi ito katuladng lokal na SIM card!)
Narito ang ilang detalye sa mga international na SIM card para sa mga iPhone, kasama ang kung ano ang mga ito at kung paano makakatulong ang mga ito sa iyo na manatiling konektadon saan ka man sa pupunta.
Ano ang isang Pandaigdigang SIM Card?
Sa kabila ng kung ano ang gustong ipapaniwala ng mga carrier sa mga tao, hindi humihinto ang mobile data sa mga international na hangganan. Posible pa ang imprastuktura ng carrier, pero mas nagiging hindi na iyon totoo sa pagsulong ng cellular na teknolohiya.
Kaya naman, paano kung puwede kang mag-access ng mobile data sa ibang bansa sa pamamagitan ng iisang SIM card – nang walang napakamahal na mga roaming charge na gustung-gustong isama ng mga carrier sa iyong bill?
Magagawa mo naman.
Ang isang pandaigdigang SIM card ay isang klase ng mga SIM card na gumagana kung saan may mobile data. Isa itong card, bill, data package, at numero ng telepono. Kasama sa ilang halimbawa ang:
- Sim4crew na global SIM card para sa mga seafarer
- Discover Global eSIM ng Airalo
Ang International na mga SIM card ay ang mas pinipili ng maraming tao na bumabiyahe sa ibang bansa nang madalas, lalo na kapag ang kanilang mga biyahe ay hindi limitado sa isang partikular na rehiyon o kontinente.
Ang Mga Kalamangan ng International na SIM Card
Maraming kalamangan ang mga International na SIM card kaysa sa ibang mga solution para sa mobile data habang bumabiyahe. Karagdagan pa sa pagsasama-sama sa cell service ng maraming bansa sa isang card, ang mga ito ay:
- Nagbibigay ng mas magandang coverage: Angkop sa pagbibiyahe ang mga Pandaigdigang SIM card. Karaniwang nakakapagbigay ang mga ito ng mas magandang coverage kaysa sa international roaming o lokal na mga SIM card.
- May mas magagandang rate kaysa sa international roaming: Madalas na kamukha lang ng bill mo sa iyong account sa bansa mo ang bill na nauugnay sa isang international na SIM card.
- Pinapanatili ang lahat sa isang wika: Hindi na kailangang kalikutin ang mga interface sa mga banyagang wika, gumagana nang katulad nang kailangan ng package.
- Puwedeng i-manage nang online ang International na mga SIM card: Nagbibigay ng isang portal para sa lahat ng bagay ang karamihan ng mga serbisyo.
Ano ang Pagkakaiba sa Pagitan ng eSIM, isang Lokal na SIM, at Pandaigdigang SIM card para sa mga iPhone?
Ang international na mga SIM card ay mas hindi kilala pero kumbinyenteng opsyon para sa mga nagbabiyahe, at ang parang generic term nito ay nakakalito pa rin pana-panahon. (Halimbawa, hanapin ang “international na mga SIM card para sa mga iPhone” sa Google, at posibleng makakuha ka pa rin ng mga tip sa paggamit ng iyong iPhone sa ibang bansa.)
Narito ang maikling impormasyon sa mga pagkakaiba sa pagitan ng mga international eSIM, lokal na SIM card, at international na SIM card para sa mga iPhone.
1. Aktwal na Card pa rin Ito na Kailangan Mong Bilhin Bago ka Bumiyahe
Hindi katulad ng Discover Global eSIM, isang aktwal na card ang pandaigdigang SIM card. Nangangahulugan iyon na kailangan mong bilhin at i-activate iyon bago bumiyahe.
Inirerekomenda namin na magplano ka sa shipping na tatagal ng isang linggo para may sapat kang oras para harapin ang anumang mga situwasyon na posibleng mangyari sa pag-activate nito.
Gayundin, siguruhing naka-unlock ang iyong iPhone. Hindi gagana ang mag international na SIM card sa naka-lock na telepono tulad ng mga third-party na SIM card.
2. Isa itong One Size Fits All – Walang Opsyon Para sa Ibang Mga Bansa
Maganda ang mga international na SIM card para sa mga biyahero na madalas pumunta sa maraming bansa. Idinisenyo ang mga ito na alisin ang stress sa paghahanap ng lokal na SIM card sa bawat bagong pupuntahan o ang hirap ng pagharap sa isang domestic na carrier na gusto kang singilin para sa paggamit ng data sa ibang bansa. Halimbawa, kino-cover ng Discover Global eSIM mula sa Airalo ang daan-daang bansa, kaya puwede mong maranasan ang connectivity nang walang hangganan.
Angkop ang mga ito para sa mga ship crew o biyaherong negosyante na nagpapalipat-lipat ng mga international na opisina.
Gayunpaman, kung papunta ka lang sa isang bansa o kahit pa rehiyon, baka overkill ang global na SIM card. Isaalang-alang kung pagbabayarin ka o hindi ng international na SIM card para sa isang serbisyong hindi mo kailangan. Sa ganoong situwasyon, baka mas magandang opsyon ang isang eSIM na partikular sa bansa o kahit pa isang regional na eSIM.
3. Puwede Kang Gumamit Ng Pandaigdigang SIM Sa eSIM
Kung mayroon kang iPhone XR o mas bago, sinusuportahan ng iyong telepono ang eSIM. Nangangahulugan iyon na puwede mong gawin ang isa pang bagay sa iyong pandaigdigang SIM card – gamitin iyon kasabay ng eSIM.
Puwedeng ma-supplement ng eSIM data pack ang iyong mobile data kung magtatagal ka sa isang partikular na lugar. Matutulungan ka nitong maiwasang magamit ang roaming data sa iyong SIM card habang hinahayaan kang ma-access ang mobile data sa mga lokal na rate.
Gayundin, dahil bibigyan ka ng numero ng telepono ng karamihan sa mga pandaigdigang SIM card, makakatawag ka pa rin o makakapag-text gamit ang numerong iyon habang nagbibiyahe ka. At kung pansamantalang hindi mo kailangan ang iyong pandaigdigang SIM card, madali lang i-on o i-off ang mga linya sa iyong iPhone.
Narito ang ilang diskarte sa paggamit ng eSIM sa isang iPhone.
Isinasaalang-alang ang Mga Pandaigdigang SIM Card para sa mga iPhone? Kumuha ng Pandaigdigang eSIM
Puwedeng-puwedeng gumamit ng mga international na SIM card sa mga iPhone. Puwedeng maging kumbinyente, murang opsyon ang isang international na SIM card, depende sa mga plano mo sa pagbiyahe. Gayunpaman, may mga hamon pa rin na nauugnay sa mga aktwal na SIM card at pagbiyahe sa ibang bansa. Mula sa pangangailangang alisin ang kasalukuyan mong SIM card hanggang sa pagpapadala ng iyong international na SIM card sa tamang panahon, maraming kailangang i-manage.
Mas madali ang pandaigdigang eSIM. Kumuha ng pandaigdigang eSIM mula sa Airalo at manatiling konektado kailanman at saan mo man gusto. Sa totoo lang, ano ang hindi mo magugustuhan?