DELAWARE, USA — Inanunsyo ngayon ng Airalo, ang pioneering na marketplace ng eSIM na bumabago sa global connectivity, ang matagumpay na pagkumpleto ng Series B financing round nito, na nakapagpundar ng kahanga-hangang $60 million. Pinangungunahan ng e& capital, ang investment arm ng e&, ang pandaigdigang technology group, ginagawa nitong $67.3 million ang kabuuang pondo ng Airalo. Ang Antler Elevate, Liberty Global, Orange, T.Capital, Rakuten Capital, Singtel Innov8, Telefónica Ventures, Sequoia Capital India at SEA's (kilala ngayon bilang Peak XV Partners) Surge, KPN Ventures, at I2BF Global Ventures ang kasama sa prestihiyosong grupo ng mga namumuhunan na sumali rin. Ipinapakita ng iba't ibang consortium na ito ng mga namumuhunan ang industry-wide na pagkilala sa nakakapagpabagong gawain ng Airalo sa paggawang accessible at abot-kaya ng global connectivity para sa mga biyahero sa buong mundo.
Pabibilisin ng malaking pagpasok ng kapital na ito ang mga plano sa paglago ng Airalo, kabilang ang pagpapalawak sa masiglang komunidad nito ng milyun-milyong user, pagpapalakas sa global team nito, at pagpapakilala sa mga Airalo Partner—isang innovative na connectivity solution na sinadya para sa mga negosyo at organisasyon sa buong mundo. Sa pagsasama ng cutting-edge na teknolohiya at user-centric na diskarte, patuloy na ine-empower ng Airalo ang mga biyahero sa pamamagitan ng seamless na access sa mga mobile network, na bumabago sa kanilang mga paglalakbay para maging di-malilimutang mga karanasan.
Ipinahayag ng mga co-founder na si Abraham Burak at Bahadir Ozdemir ang kanilang pasasalamat sa pagsulong ng kumpanya at ang nagpapatuloy na suporta ng lumalaking network ng mga namumuhunan, sa pagsasabing, "Sa nakalipas na mga taon, inalis ng Airalo ang mga pain point at pinahusay ang karanasan ng milyun-milyong biyahero sa pamamagitan ng pagbibigay ng napakaabot-kaya at accessible na connectivity sa buong mundo. Higit pa tayong mabibigyang-daan ng bagong consortium na ito ng mga namumuhuhan sa ating hangaring buuin ang gateway sa instant na connectivity sa buong mundo."
Simula ng pagtatatag nito noong 2019, nananatiling matatag ang Airalo sa misyon nitong i-democratize ang pandaidigang connectivity, na ginagawa itong kapwa accessible at abot-kaya para sa mga biyahero sa buong mundo. Ine-empower ng marketplace ng Airalo, kilala bilang ang pinakamalaking eSIM platform sa buong mundo, ang mga user sa pamamagitan ng kumbinyenteng access sa eSIM (digital SIM) na mga package, na nagbibigay-daan sa kanila na kumonekta nang walang hirap sa mga mobile network sa daan-daang destinasyon sa buong mundo.
Sa coverage na sumasakop sa higit 200 bansa at rehiyon, nakuha ng napakagandang serbisyo ng Airalo ang tiwala ng milyun-milyong user sa buong mundo. Dahil sa remote-first na diskarte ng kumpanya, nakapagsimula ito ng diverse at talentadong team ng higit 250 propesyonal na mula sa 44 na bansa at anim na kontinente. Kasama sa dedicated team na ito ang isang pandaigdigang mga partnership squad, na humihimok ng matatag na mga pakikipagtulungan sa mga negosyo at organisasyon sa buong mundo. Patunay sa pandaidigang appeal nito, available ang website at app ng Airalo sa 22 wika, na may planong pagpapalawak para sumuporta sa 53 wika sa malapit na hinaharap. Kasalukuyang ipinagmamalaki ng app ng Airalo ang isang mahusay na rating na 4.7 star sa App Store at 4.6 star sa Google Play Store, habang #1 travel app sa mga mobile app store sa maraming bansa, na nagpapatunay pa sa kasiyahan ng user nito.
Dahil sa matagumpay na funding round, ibinahagi ng e& capital ang kagalakan nito sa pakikipag-sanib pwersa sa Airalo. "Ikinatutuwa naming pangunahan ang Series B financing round para sa Airalo, isang kumpanya na malayo na ang narating sa nakalipas na 18 buwan na nakatuon sa pagbibigay ng napakagandang karanasan ng customer. May ganap na tiwala kami sa kakayahan ng Airalo na palawaki ang komunidad ng user nito, palakasin ang diverse na team nito, at ipakilala ang pinabagong produkto nito, ang Airalo Partners, isang groundbreaking connectivity solution para sa pandaigdigang mga negosyo at organisasyon. Naniniwala kami na may potensyal ang Airalo na maign isang travel essential at nasasabik na suportahan ang kanilang paglalakbay sa pagiging ang definitive na gateway sa instant connectivity sa buong mundo," sabi ni Kushal Shah, Managing Director, e& capital.
Dahil sa napakahusay na trajectory ng paglago ng Airalo at hindi nagbabagong commitment sa pagbabago sa karanasan sa pagbiyahe, nakaposisyon ito bilang isang trailblazer at travel essential. Dahil sa pagpasok ng bagong kapital at strategic na mga pakikipag-partner, nakapuwesto ang Airalo para bumilis ang paglago nito, na tumitiyak sa mga biyahero sa buong mundo na manatiling konektado nang walang hirap, saan man ang destinasyon nila.
Para sa mga media inquiry, pakikontak ang [email protected].
Tungkol sa Airalo
Ang Airalo, itinatag noong 2019 ni Bahadir Ozdemir at Abraham Burak, ay ang una sa mundo at pinakamalaking eSIM marketplace. Nag-aalok ang platform ng mga eSIM package para sa 200+ bansa at rehiyon, na nagbibigay-daan sa mga biyahero na makakonekta agad sa mga mobile network sa kanilang destinasyon. Sa milyun-milyong user at pandaigdigang team na nasa 44 na bansa, nire-revolutionize ng Airalo ang pandaigdigang connectivity at ine-empower ang mga biyahero sa buong mundo.
Para malaman pa ang tungkol sa Airalo, pakibisita ang www.airalo.com.
Tungkol sa e& capital
Ang e& capital ay ang investment pillar ng e& na namumuhunan sa mga idyea at tao na makakabuo ng mas maganda at mas mahusay na digital future. Sinusuportahan nito ang mga visionary tech na negosyo, na tumumutulong sa kanila at nagbibigay-daan sa makahulugang pagsulong na nagpapausad sa mundong ito.
Namumuhunan ang e& capital sa mga startup na naghahangad na baguhin at hamunin ang mga bagay-bagay, dahil naniniwala sila sa isang bagay na mas maganda. Nakikipagtulungan to sa mga mapangahas na entrepreneur para gawing susunod na mga nangungunang negosyo ang kanilang malalaking ideya.
Para malaman ang higit pa tungkol sa e& capital, pakipuntahan ang https://eand.com/en/capital.jsp.