SIM vs. eSIM: Sulit ba ang paglipat sa isang bagong teknolohiya?

SIM vs. eSIM: Alin ang Mas Mabuti?

Alam naming naghahanap ka ng mga paraan para magkaroon ng mas magandang koneksyon habang nasa byahe, at kung madalas kang maglakbay, malamang na madalas kang magpalit ng mga provider. Sino ba ang ayaw makahanap ng alternatibo sa pagbili ng hindi epektibong track phone plan o sa paghahanap ng Wi-Fi hotspot bawat pagkakataon para makakuha ng koneksyon sa internet?

Palagi nating sinusubukan timbangin ang pagkakaiba ng mga bagong teknolohiya upang malaman kung sulit bang mamuhunan dito, at malamang na iyan ang dahilan kung bakit naririto ka. Narinig mo na ang tungkol sa eSIM at kung paano nito pinapabuti ang kalidad ng signal para sa mga tao sa buong mundo, kaya dapat ka na bang lumipat?

Dito, tatalakayin natin ang mga kalamangan at kahinaan ng parehong SIM at eSIM cards.

Alin ang Mas Mabuti? SIM vs. eSIM

Maraming mga manlalakbay ang nahihirapang makahanap ng maaasahang mobile provider habang nasa ibang bansa, at kahit na makahanap sila, maaaring hindi nila kailanganin ang serbisyo nang higit sa isang buwan.

Ang ilang mobile service providers ay hindi pa nag aalok ng maaasahang koneksyon para sa mga eSIM-compatible na telepono. Gayundin, ang laki ng data at petsa ng pag-expire ng kanilang mga prepaid na plano ay tila hindi tumutugma sa mga pangangailangan ng isang manlalakbay.

Kaya’t hindi lamang ito isang magandang ideya kundi isang pangangailangan na malaman kung alin ang mas mabuti (SIM vs. eSIM) para sa iyong mga plano sa paglalakbay.

Ang Ebolusyon ng SIM sa eSIM

Ang Mga Pagkakatulad ng SIM at eSIM

May stigma sa paligid ng SIM vs. eSIM na lubos na magkaibang teknolohiya ang dalawang ito, at hindi maaaring ipagkumpara nang tama. Gayunpaman, magugulat ang maraming tao na malaman na mayroong ilang pagkakatulad ang mga ito, tulad ng:

  • Parehong nitong ikinokonekta ang telepono mo sa network ng iyong mobile provider
  • Parehong magagamit ang mga ito sa marmaing iba't ibang device (hindi lang sa mga telepono)
  • Parehong tinutukoy ng mga ito ang telepono mo at ang uri ng plan na ginagamit
  • Parehong magagamit ang mga ito nang magkasabay sa isang dual-SIM na telepono
  • Sila ay parehong teknikal na "SIMs."

Oo, tama iyan pareho silang SIMs. Gayunpaman, ang SIM card ay isang chip na pisikal na ini-install o tinatanggal sa loob ng iyong telepono kasama ang plano ng iyong carrier. Ang eSIM (embedded SIM) ay naka-embed sa iyong telepono at hindi direktang nagda-download ng plano ng iyong carrier.

Ang Mga Kalamangan ng Mga SIM Card

Bagaman mas maraming biyahero ang posibleng mahikayat na gumamit ng eSIM, may ilan pa ring kalamangan ang pagpili sa mga SIM carrier habang bumibisita sa ibang bansa.

Narito ang mga positibong aspeto ng mga SIM card:

  • Ang mga SIM ay hindi bagong teknolohiya sa mobile: Ang mga pangunahing carrier ng mobile data ay gumagamit ng SIM para sa karamihan ng kanilang mga data plan. 
  • Maaaring alisin ang SIM: Namatay ba ang baterya ng telepono mo? Maaari kang maglipat ng SIM card sa isa pang naka-unlock na telepono na may gumaganang baterya.
  • Maaaring i-upgrade ang SIM: Kung outdated na ang manufacturing ng chip ng SIM mo o kung gusto mong i-upgrade ang iyong plano, maaaring dalhin ang SIM sa mobile provider mo para sa papalitan.
  • Madaling ma-access ang SIM sa prepaid form: Maraming manlalakbay ang madaling makakahanap ng prepaid na SIM plan sa isang lokal na market o convenience store kapag nasa ibang bansa sila.

esim

Ang Kahinaan ng SIM Cards

Narito ang mga negatibong aspeto ng mga SIM card:

  • Madaling masira o maiwala ang mga SIM: Madaling masira o maiwala ang SIM card kapag hinahawakan ito sa labas ng iyong device.
  • Ang mga SIM ay nakatali sa isang plano ng carrier: Dapat kang bumili at magpasok ng bagong SIM card mula sa isa pang carrier upang baguhin ang iyong plano.
  • Maaari lamang mag-imbak ang mga SIM ng isang plano sa isang pagkakataon: Hindi ka maaaring mag-imbak ng maraming plano sa  isang card.
  • Mas madaling i-hack ang mga SIM: Kung nawala o nanakaw ang iyong telepono, madali para sa isang hacker na ma-access ang iyong SIM at gamitin ito nang mapanlinlang.

Ang mga kalamangan ng mga eSIM

Narito ang ilang mga kilalang kalamangan ng eSIMs:

  • Maginhawa gamitin ang mga eSIM: Maaari mong i-download ang mga ito kahit saang mayroon kang koneksyon sa network.
  • Nagagamit ang eSIM kasabay ng SIM: Posibleng lumipat sa data line ng SIM at eSIM ang mga teleponong may teknolohiya ng dual-SIM para makuha ang pinakamagandang signal na posible sa buong mundo.
  • Madaling i-install at i-operate ang mga eSIM: Tumatagal lamang ng ilang minuto upang mag-download at mag-install, pagkatapos ay handa ka na.
  • Ang mga eSIM ay hindi maaaring pisikal na masira o mawala: Dahil ang mga eSIM ay naka-embed, ang mga ito ay mas mahirap masira o mawala.
  • Maaari kang mag-imbak ng maraming eSIM plan: Ang ilang mga telepono ay nagpapahintulot sa iyong mag-download at mag-imbak ng kahit gaano karaming eSIM plan ang gusto mo, na nagbibigay sa iyo ng kabuuang flexibility kapag naglalakbay ka. 
  • Mas mahirap i-hack ang mga eSIM: Dapat mag-pivot ang mga hacker sa isang billing-process security feature at sa cloud para makapasok sa mga detalye ng iyong telepono habang nakaroaming ang isang eSIM.

Ang Kahinaan ng eSIMs

Bagaman mukhang walang gaanong problema ang eSIM sa unang tingin, mayroon pa ring ilang disadvantage sa paggamit ng eSIM.

Narito ang mga negatibong aspeto ng mga eSIM card:

  • Ang mga eSIM ay hindi magagamit sa mga mas lumang telepono: Dahil ito ay medyo bago, ang mga eSIM ay hindi compatible sa mga mas lumang modelo ng telepono.
  • Mas mahirap maglipat ng data: Sa halip na alisin ang card sa nasirang telepono, kailangan mong i-download ang iyong data mula sa cloud para makuha mo ang mga contact, mensahe at iba pang media.

Dapat Ka Bang Lumipat sa Teknolohiyang eSIM?

Kung isa kang manlalakbay na nasisiyahang magbakasyon sa malalayong lokasyon o iba't ibang bansa, malamang na taon na ang ginugol mo para makahanap ng provider na nagbibigay ng maaasahang coverage. Ano ang inaasahan mong magbago sa eSIM?

  • Bisitahin ang higit sa 200+ na bansa at rehiyon: Hindi ba maganda na mabisita ang anumang lokasyon nang hindi iniisip kung may signal ka sa alinmang bansa? Kung pinili mo ang Airalo, puwede kang makakuha ng eSIM data plan na gumagana sa napakaraming lokasyon.
  • Mga flexible na data plan: Ayaw mong magbayad para sa data na malamang ay hindi mo mauubos bago matapos ang iyong biyahe? Flexible ang mga eSIM prepaid plan at nag-aalok ng abot-kayang dami ng data para sa a numang bakasyon.
  • Gumastos nang mas maliit sa coverage: Batay sa kung magkano sa karaniwan ang ginagastos mo para makakuha ng limitado at hindi consistent na coverage; nakakatipid ka nang malaki kapag lumilipat sa isang eSIM plan.
  • Consistency ng connection: Gustong gamitin ang telepono mo saanman na walang Wi-Fi hotspot? Nakikipagtulungan ang Airalo sa mga lokal na telco sa buong mundo para bigyan ka ng pinakamagandang coverage sa mga local-based na rate.
  • Mag-text, tumawag, o mag-browse: Magagamit mo pa rin ang iyong pangunahing linya ng SIM upang gumawa ng mga personal na tawag, habang maaari kang lumipat sa isang eSIM upang mag-browse sa web.

Aling Mga Device ang Sumusuporta sa eSIM?

Kung nais mong malaman kung sinusuportahan ng iyong device ang eSIM, mangyaring tingnan ang aming listahan ng mga device na compatible sa eSIM.

SIM vs. eSIM – Alin ang pipiliin mo para sa iyong susunod na biyahe sa ibang bansa?

Hindi sigurado kung handa ka nang lumipat sa isang eSIM?

Narito ang isang bagay na dapat mong pag-isipan kung nag-aalangan ka. Nag-e-expand ang teknolohiya ng cell phone nang lampas sa kapasidad nating magtayo ng mga cell phone tower at matugunan ang lumalaking demand para sa pandaigdigang connectivity. Pagod na ang mga customer ng mobile phone sa pagbabayad para sa data na hindi nila magagamit sa mga malalayong lokasyon o sa labas ng kanilang saklaw na mga lugar. Mas malala pa, nagbabayad ang mga tao para sa mahal na roaming sa ibang bansa para manatiling konektado.

Ngayon, isipin mong ikaw ay nasa ibang bansa, naghahanap sa dagat ng mga siksik na hotspot o Wi-Fi na lokasyon para makakuha ng koneksyon. Paano kaya kung puwede mong dalhin ang mobile phone mo kahit saanman sa mundo nang hindi kinakailangang lumipat ng provider? Layunin ng eSIM na baguhin ang paraan kung paano tayo kumokonekta sa pandaigdigang antas.

Oo, puwede kang magretan ng pocket Wi-Fi device o bumili ng pansamantalang SIM sa isang lokal na bansa para maiwasan ang mga roaming fee, pero kukunin nito ang mahalaga mong oras at mga resource para magawa iyon. Bakit kailangang pahirapan ang sarili kung puwede ka namang makakuha ng kumpletong global coverage gamit lang ang telepono mo?

Nauunawaan ng Airalo na gusto mong lubos na pag-isipan ang mga benepisyo ng mobile technology bago ka gumastos ng daan-daang dolyar sa isang bagong telepono. Bisitahin ang Airalo ngayon para alamin pa ang tungkol sa compatible eSIM phones at available na data plan para sa iyong mga pangangailangan sa global connectivity.


Handa ka na bang subukan ang eSIMs at mabago ang paraan kung paano ka nananatiling nakakonekta?

I-download ang Airalo app para bumili, mag-manage, at mag-load sa iyong eSIMs anumang oras, saanman!

Airalo | Download mobile app
Airalo | Use your Free Credit

Gamitin Ang Iyong Libreng Credit.

Puwede kang makakuha ng USD $3.00 na Airmoney sa pamamagitan ng pagbabahagi ng referral code mo sa mga kaibigan.