What Happens When SIM Cards Go Bad?

Kasabay ng pagbili ng bagong cellphone ang pagkakaroong ng bagong SIM card o maari din naman gamitin dito ang dati ng SIM. Ayon sa nakagawian, gumagamit tayo ng Physical SIM card; ngunit may iba pa kayang paraan?

Ang proseso ng paggamit ng eSIM ay 100% digital. Hindi tulad ng isang tradisyunal na SIM, ang isang eSIM ay naka-embed sa iyong device at hindi kailangang alisin ang SIM at magkabit ng iba pang SIM upang magpalit ng mga provider o network. Maaari kang mag-download ng digital data plan, i-install ito sa iyong device, at agad na kumonekta sa internet

Paano kaya ito gumagana? Ang mga eSIM ba ay maituturing na mas kapaki-pakinabang sa mga susunod na panahon? Tuluyan na ba nitong mapapalitan ang paggamit ng tradisyonal na SIM Card? Dapat na nga ba tayong sumunod sa pagbabagong ito? Dito, ating susuriin ang mga pagkakaiba ng isang SIM card at eSIM, kung ano ang mangyayari kapag hindi na gumana ang SIM card, at ang mga pakinabang ng paggamit ng eSIM.

Paguusapan dito ang mga sumusunod:

babae na may hawak na smartphone

Paano nagkakatulad ang SIM at eSIM?

Ang mga SIM card at eSIM ay nagtataglay nga parehong paggamit. Ano mang paraan ang pagbuo sa SIM (subscriber identity module), gumagawa ito ng ilang mahahalagang bagay:

  • Binibigyan nito ang iyong device ng access sa isang mobile data network
  • Pinahihintulutan ka nitong gamitin ang mga serbisyo ng text at tawag.
  • Bine-verify nito ang pagkakakilanlan ng iyong device at ang (mga) network kung saan ka makakakonekta

‌‌Maaari mong ituring ang SIM bilang digital license plate para sa iyong mobile network. Ito ay'ang nagpapatunay sa iyo bilang isang mobile subscriber at nagbibigay sa iyo ng access sa network ng iyong carrier'.

*Karamihan sa mga eSIM plan ay data lamang. Maaari mong tingnan ang mga detalye ng iyong eSIM plan upang malaman kung mayroon din itong mga serbisyo sa pagtawag at text.

Dual SIM at Multiple SIM

Karamihan sa mga device ngayon ay Dual SIM capable. Dual SIM technology  ang nagbibigay-daan sa iyong mag-imbak ng higit sa isang SIM at eSIM sa iyong device. ito rin ag tumutulong upang kumonekta sa dalawang magkaibang network nang sabay-sabay. 

Narito ang ilan sa mga paraan para magamit ang Dual SIM Technology.

  • Magdagdag ng lokal na data plan kapag naglalakbay ka
  • Gumamit ng isang package para sa pagtawag at isa pa para sa data
  • Panatilihin na magkahiwalay ang business at personal number sa iisang telepono

teleponong may sim card na nakaupo sa labas nito

Ano ang mangyayari kapag sira na ang SIM card?

Ang pinakamalaking problema sa isang Physical SIM card ay ang' ay ang pagiging pisikal nito.. Ang isang physical SIM ay may mga naka-expose na connectors na maaring madalong masira Kapag hinawakan mo and SIM card at hindi nag-ingat, nanganganib itong maputol, mayupi, o magasgasan. Mayroon ding mga panganib ng pagkasira ng card at pagkawala ng paggana sa paglipas ng panahon. 

Narito ang ilang problema sa SIM card na dapat isaalang-alang.

Mga Problema sa Pagkasira Dahil sa Tubig

Isa sa mga pangkaraniwang dahilan kung bakit hihinto sa paggana ang isang pisikal na SIM ay dahil sa water damage. Ang labis na tubig, pag-spray, pag-talsik, o pag-lubog ay maaaring makapinsala sa isang pisikal na SIM at magdulot ng hindi paggana. Ang pagbuhos ng mainit na likido ay nagdududlot din ng pagkasira ng isang SIM card, lalo na kung tumagas ang mga ito sa SIM tray.

Mga Problema ng Dulot ng Init

Ang sobrang init ay maari ding magdulot ng pagkasira ng pin ng isang SIM card Ang pagkaka-iwan ng cellphone malapit sa isang heating vent, sa isang window ledge na nakatapat sa araw, o sa isang patio table sa ilalim ng araw ay sapat na upang makapinsala sa isang SIM card.

Mga problema sa Shipping

Maaari mo ring harapin ang mga manufacturer issues. Anumang card na ipinadala o naihatid ay may panganib na masira o hindi gumana. 

Paano Malalaman Kung Sira Ang Iyong SIM

Kung pinaghihinalaan mong mayroong connectivity issues ang iyong SIM, maaari kang mag-troubleshoot sa pamamagitan ng pagcheck sa mga sumusunod:

  • Makakakonekta pa rin ba ang iyong telepono sa iyong lokal na network o mobile data?
  • Nagpapadala at nakakatanggap ka ba ng text messages ng walang delay?
  • Nakakatanggap at nakakatawag ka gamit ang iyong cellphone?
  • Nakakalipat ba ng provider o nakaka-konekta sa mga bagong network ay iyong device?

Kung hindi ka pa rin sigurado, maaari mong alisin ang Physical SIM mula sa iyong device at suriin ito para sa pin corrosion o pinsala.

Mga Benepisyo ng Paggamit ng Airalo eSIM

Mayroong ilang mga benepisyo ng paggamit ng eSIM Technology. Narito ang ilan sa mga dahilan:

Damage Resistant

Dahil ang isang eSIM ay built-in sa isang device, mababa ang posibilidad ng pagkasira sa pisikal na aspeto nito. Dala-dala ng device ang eSIM saan man ito makarating.

Mas May Seguridad

Mas malaki ang posibilidad na ma-hack ang Physical SIM card kumpara sa isang eSIM. Ang personal na impormasyon ay mas protektado laban sa pag-hack at pakikialam, at ang pag-bypass sa mga protocol ng device ay mas mahirap. 

May Kakayahan Magtabi Higit sa Isang eSIM

Maaari kang mag-download at gumamit ng higit sa isang eSIM profile sa iyong device. May kakayahan gumamit ng higit sa isang eSIM

Pag-iwas sa Roaming Charges

Makaiwas sa mamahaling roaming fee. Kapag bumili ka ng eSIM plan mula sa Airalo, nakatakda na ang data allowance sa simula pa lamang. Kung naubusan ka ng data, maaari mong i-top up ang iyong package o bumili ng bagong package. Walang itong mga hindi inaasahang bayarin gaya na roaming bills na bubungad sa iyong pag-uwi.

Mabilis at Abot-Kayang Data Connection

Ang eSIM ay nagbibigay ng mabilisan proseso sa pag set-up ng internet connection. Maaari kang mag-download habang ikaw ay nasa iyong tahanan, i-install ito sa iyong device, at mapagana ito sa loob ng ilang minuto. Higit pa rito, ang Airalo's rates ay maitutiring na market-competitive. Ang presyo ng eSIM ay maihahalintulad sa presyo ng mga lokal na eSIMs sa 200+ na bansa at rehiyon sa buong mundo.

mga kaibigan na nakatingin sa isang smartphone

Paraan Sa Pagtukoy kung ang iyong device ay eSIM-compatible

Upang magamit ang eSIM, ang iyong device ay dapat na carrier-unlock at eSIM-compatible. Kung hindi sigurado, Narito ang ilang paraan para malaman.

  • Maaring bisitahin ang aming listahan ng mga eSIM-compatible na device
  • Maaaring kumonsulta sa iyong carrier kung naka-unlock ang iyong device.
  • Kumonsulta sa iyong device's IMEI number para makita kung sinusuportahan ng iyong telepono ang isang eSIM. I-tap and "Settings", hanapin ang IMEI, at i-check ang mga terms gaya ng "eSIM" or "digital SIM card."
  • I-dial ang *#06# mula sa iyong phone app para malaman kung ang iyong device ay eSIM-compatible.

Handa nang lumipat sa isang eSIM? Mag-browse ng mga eSIM para sa 200+ na bansa at rehiyon sa buong mundo sa Airalo store

Mga Kadalasang Tanong

Maaari bang masira ang isang SIM card?

Oo, ang isang SIM card ay maaaring masira o hindi na gumana sa paglipas ng panahon. Maraming salik ang maaaring magdulot malfunction ng SIM card, kabilang ang pisikal na pinsala, sobrang init o lamig, dahil sa katagal, maling pagsalansan, at mga depekto sa paggawa.

Paano nasisira ang isang SIM card?

Maaaring masira ang isang SIM card dahil sa pisikal na stress, tulad ng pagkakayupi at gasgas Ang pagka-expose sa matinding temperatura, moisture, o hindi wastong pagpasok/pag-alis mula sa device ay maaari ding magdulot ng pinsala. Ang mga depekto sa paggawa o ang natural na pagkaluma ng mga elektronikong bahagi sa paglipas ng panahon ay maaarin magdulot sa malfunction ng SIM card.

Paano ko malalaman kung sira ang aking SIM card?

Kung ang iyong telepono ay nagpapakita ng mga mensahe tulad ng "Walang SIM card," "Invalid SIM," o kung ikaw ay'nakakaranas ng patuloy na mga isyu sa network sa kabila ng isang functional na network , maaaring sira ang iyong SIM card.

Maaari bang masira ng tubig ang isang SIM card?

Oo, ang isang SIM card ay maaaring masira ng tubig. Ang pagka-expose sa tubig ay maaaring magdulot ng corrosion at makagambala sa mga de-koryenteng koneksyon sa SIM card. Kung ang isang SIM card ay nabasa ng tubig, inirerekomendang hayaan itong ganap na matuyo bago subukang gamitin muli, ngunit gayunpaman, wala kasiguraduhan na ito ay muling gagana.

Paano linisin ang isang SIM card?

Upang linisin ang isang SIM card, dahan-dahang punasan ito ng malambot, at telang walang himulmol o gumamit ng kaunting isopropyl alcohol sa tela para sa mas masinsinan na paglilinis. Tiyaking ganap na tuyo ang SIM card bago ito muling ipasok sa device. Iwasang gumamit ng tubig o abrasive na materyales, at maingat na hawakan ang SIM card upang maiwasan ang pagkasira.

Ano ang Kakayahan ng isang SIM Card

Ang SIM card, o Subscriber Identity Module, ay isang maliit na card na inilalagay sa mga mobile device upang patotohanan at kilalanin ang user sa isang mobile network. Nag-iimbak ito ng impormasyon tulad ng natatanging numero ng pagkakakilanlan ng user', mga kredensyal sa mobile network, at mga contact. Ang SIM card ay nagbibigay-daan sa mga serbisyo ng boses at data, na nagpapahintulot sa mga user na tumawag, magpadala ng mga text, at mag-access ng mobile data habang kumokonekta sa isang partikular na cellular network.

Gaano katagal ang itinatagal ng SIM Card

Ang haba ng buhay ng isang SIM card ay nag-iiba, ngunit ang mga ito ay karaniwang matibay at maaaring tumagal ng ilang taon. Gayunpaman, ang mga salik gaya ng pisikal na pinsala, pagkakalantad sa matinding kundisyon, o mga depekto sa pagmamanupaktura ay maaaring makaapekto sa kanilang habang-buhay.


Handa ka na bang subukan ang eSIMs at mabago ang paraan kung paano ka nananatiling nakakonekta?

I-download ang Airalo app para bumili, mag-manage, at mag-load sa iyong eSIMs anumang oras, saanman!

Airalo | Download mobile app
Airalo | Use your Free Credit

Gamitin Ang Iyong Libreng Credit.

Puwede kang makakuha ng USD $3.00 na Airmoney sa pamamagitan ng pagbabahagi ng referral code mo sa mga kaibigan.