Kung bago ka pa lang sa Airalo o matagal nang ginagamit ang aming serbisyo ng eSIM, posibleng narinig mo na ang Airmoney.
Ano ang Airmoney?
Sa maikli, ang Airmoney ay ang in-app at web currency ng Airalo na nakukuha sa tuwing bibili ka ng eSIM. Kapag tumanggap kami ng mga bayad, may nake-credit sa iyong account na porsyento ng Airmoney sa wallet ng iyong account.
Halimbawa, kung nagbayad ka ng $10.00 para sa isang eSIM, at ang iyong Airmoney rate ay 5%, tatanggap ka ng 50 cents na cashback sa iyong account na puwede mong gamitin sa iyong susunod na eSIM.
Kumbinyenteng paraan ito para magbayad at makatipid sa mga eSIM sa katagalan!
Maikling overview ng mga eSIM
Kung bago ka pa lang sa Airalo o gusto ng refresher, ang ibig sabihin ng 'eSIM ay 'embedded SIM card.' Hindi katulad ng aktwal na SIM card, naka-built in ang eSIM sa iyong telepono. Nangangahulugan ito na puwede ka nang mag-download ng mga data package sa iyong device.
Nangangahulugan ito na:
-
Wala nang mahal na mga roaming plan mula sa iyong home provider
-
Access sa 190+ bansa at rehiyon sa buong mundo
-
Local data tethering sa mga kaibigang nasa malapit
-
Hindi na kailangang maghanap ng nagtitinda ng SIM habang bumabiyahe
-
Mag-stream ng mga video at content o magtrabaho nang remote saanman
-
Access sa aming pandaigdigang support team
Pagbili ng mga eSIM
Puwede kang magbayad ng eSIM sa pamamagitan ng app ng Airalo, laptop, o PC. Kapag nag-log in ka sa iyong account, kakailanganin mong:
-
Piliin ang eSIM na gusto mong i-download
-
Piliin ang iyong paraan ng pagbabayad
-
Basahin ang mga tuntunin at kundisyon, mga detalye ng compatibility ng eSIM, at tanggapin
-
Piliin ang iyong gustong paraan ng pag-install at tapusin ang mga hakbang
Ginagamit ng Airalo ang Stripe payments system para iproseso ang mga pagbabayad nang secure. Para sa karagdagang impomrasyon sa aming mga in-app na serbisyo, tingnan ang aming page ng Mga Tuntunin at Kundisyon at ang aming page ng Patakaran sa Privacy. Para sa anumang mga karagdagang tanong o inquiry, huwag magdalawang-isip na kontakin ang aming support team sa [email protected]
Pagkuha ng Cashback sa Airmoney
Kapag bumili ka na ng iyong eSIM, ino-notify ka tungkol sa Airmoney na nakuha mo sa iyong account. Bibigyan ka ng detalye ng iyong rate ng cashback, ang kabuuang halaga ng Airmoney, at ang iyong transaction history.
Paggamit sa Airmoney para bumili pa ng mga eSIM
Ngayong nagsimula ka nang makakuha ng Airmoney, puwede mo itong gamitin sa iyong susunod na pagbili. Posibleng hindi maisasama sa Airmoney ang ilang mga pampromosyong diskuwento at iba pang mga alok.
Tingnan ang aming Mga Tuntunin at Kundisyon para sa higit pang impormasyon sa Airmoney at mga uri ng pagbabayad.