Why Airalo? What Our Users Are Saying About Us

Pagdating sa mga eSIM card, nangunguna ang Airalo. Itinatag noong 2019, ang Airalo ang pinakaunang eSIM store sa mundo at nananatiling ang pinakamalaki hanggang ngayon. Sa daan-libong user, libo-libong review, at daan-daang bansa at rehiyong saklaw, kami ang puntahan para sa pinakamahusay na mga eSIM plan. Magbasa pa para malaman kung anong nagugustuhan ng mga user sa Mga eSIM ng Airalo!

Bakit Mga eSIM?

Ilarawan ito: May bago kang telepono at ngayon ay kailangang pumunta sa iyong lokal na tindahan para mag-set up ng data plan gamit ang isang aktwal na SIM card. Nakakaubos ng oras, hindi ba? Paano kung puwede mong i-access ang tindahang iyon sa bahay mo mismo at sa isang device lang? 

Iyon ang solusyong naisip namin. Ang opsyon para mag-download ng mga data plan kahit kailan (at kahit saan) ay nagpapasimple, ginagawang abot-kaya, at ginagawang mas sustainable ang connectivity — tatlong bagay na puwede naming tanggapin!

Ano ang isang eSIM? 

Ang ibig sabihin ng eSIM ay “embedded subscriber identity module.” Hindi kagaya ng aktwal na SIM card, naka-built in ang mga embedded SIM sa mismong device mo. Nangangahulugan ito na mayroon kang kalayaan na i-download ang mga data plan at magpalit ng mga provider, lahat sa app ng Airalo.

Narito ang ilang benepisyo ng paggamit ng eSIM sa halip na isang aktwal na SIM card:

  • I-dowload ang iyong plan sa pamamagitan ng QR-Code
  • Panatilihin ang iyong primary line habang ina-access ang data sa iyong eSIM
  • I-tether ang data mula sa iyong eSIM papunta sa ibang mga device
  • Mag-save ng maraming eSIM sa iyong telepono para sa madaling pag-access (depende sa device mo)
  • Pangalanan at ayusin ang iyong mga eSIM gamit ang mga custom na label
  • Iwasan ang mga gastos sa roaming — prepaid ang lahat ng mga eSIM ng Airalo at sinusuportahan ng mga lokal na network

Alamin kung Sinusuportahan ng Iyong Device ang Mga eSIM

Hindi sigurado kung masusuportahan ng iyong device ang isang eSIM? Sundan ang mga hakbang na ito para malaman. 

1. Tingnan kung eSIM-Enable ang Iyong Device 

Para malaman kung mayroon kang eSIM-compatible na telepono, puwede mong tingnan ang aming listahan ng mga device na sinusuportahan ang mga eSIM. Bagaman sinusuportahan ng mga kasalukuyang Apple at Android device ang mga eSIM, tandaan na posibleng paghigpitan ng ilang bansa at network ang paggamit ng eSIM.

Kung hindi binanggit ang model ng telepono o device mo sa aming listahan, puwede mong tingnan ang IMEI (International Mobile Equipment Identity) ng iyong device, na makikita sa mga setting ng iyong device. Kung naka-enable ang telepono mo para sa isang eSIM, dapat mong makita ang "eSIM," "eSIM support," o "Virtual SIM card" sa tabi ng iyong IMEI.

2. Tingnan kung Naka-unlock ang Iyong Telepono

Para gumamit ng eSIM, dapat ding naka-unlock sa isang mobile network ang telepono mo. Para sa karamihan ng mga network, nangangahulugan ito na pagmamay-ari mo ang telepono at nagagawa mong magdagdag, magpalit, at mag-alis ng mga SIM card nang walang restriksyon. Kung hindi ka sigurado kung naka-unlock ang telepono mo, puwede mong kontakin ang iyong cellular provider para malaman ang status nito. 

Ang Mga Benepisyo ng Paggamit ng eSIM

Tamang-tama ang pagkakaroon ng mobile data nang mabilisan para sa halos lahat ng situwasyon. Narito ang ilang mga pakinabang na patuloy na ibinabahagi sa amin ng mga user namin (at kung bakit iniisip nila na nasa Airalo ang pinakamahuhusay na eSIM plan!).

Instant na Connectivity

Sumasang-ayon ang halos lahat ng mga user namin na game-changer ang pagkakaroon ng instant na connectivity. Bilang isa sa mga user namin, sinasabi sa amin ni Dr. Jolin ang:

Puwede kang magbiyahe sa isang malayong bansa kung saan gagastos ka ng daan-daang dolyar para sa internet roaming, O mag-install na lang ng app na ito, kumuha ng eSIM at magkaroon ng lokal na data provider ng internet sa ilang minuto lang sa presyo ng dalawang kape!

Mahalaga ang oras sa iyong bakasyon o business trip, at ang huling gusto mong gawin ay gumugol ng oras sa pagsubok na mag-set up ng aktwal na SIM card. Gamit ang isang embedded SIM, puwede lang mag-download, mag-install, at kumonekta nang madali.

Pandaigdigang Coverage

Tumatanggap kami ng napakaraming review mula sa mga beteranong biyahero na lumilipat sa teknolohiya ng eSIM. Sabi ni, BCGregory, isang user,:

Nakabiyahe ako sa iba't ibang lugar sa loob ng ilang taon sa 45 bansa. Sa ngayon, Airalo ang pinakamadali, pinakamay-gamit, at pinakasulit na opsyong nadiskubre ko para sa pagbiyahe sa ibang bansa.

Gamit ang mga plan para sa daan-daang bansa at rehiyon, nasa Airalo ang pinakamahuhusay na eSIM para sa pangmatagalang biyahero. Isang telepono lang ang kailangan mo na may suporta sa eSIM para ma-access ang lahat ng mga iyon.

Ginawang mas hindi kumplikado ito ng aming panrehiyon at pandaigdigang mga plan. Kung bumibiyahe ka sa buong Europe, halimbawa, puwede kang manatiling konektado sa maraming bansa gamit ang mobile data na nagmumula sa iisang eSIM!

Abot-kaya at Transparent

Ang isang paulit-ulit na tema sa mga review namin ay ang pagiging abot-kayang alternatibo ng mga eSIM sa roaming sa isang home network. Sinasabi ni David Schouten sa amin:

Ilang beses na akong gumamit [ng eSIM] at kuntentong-kuntento ako. Ilang beses ko na rin itong ginamit sa katapusan ng buwan, noong nagamit ko na ang lahat ng data ng aking regular na carrier, at mas murang bumili ng ilang MB sa pamamagitan ng Airalo kaysa sa carrier ko.

Walang halong biro! Kapag binibigyan ka ng iyong home provider ng data coverage sa ibang bansa, karaniwang sinisingil nang mas mataas ang mga rate. Puwedeng magkahalaga ng hanggang $10-15 dollars bawat araw ang mga araw-araw na roaming plan — halos higit sa $70 bawat linggo. Nagsisimula sa $5 para sa isang 7 araw na plan ang mga plan ng Airalo. Parang mas magandang deal para sa atin 

24/7 Support

Dahil pandaigdigang organisasyon ang Airalo na matatagpuan sa maraming bansa at kontinente, may support team kami na walang tigil na nagtatrabaho. Ganito ang sinasabi ni Levy Borromeo:

May napakagandang karanasan ako sa inquiry ko dahil sa mabibilis na sagot, detalyado at nakakatulong na mga paliwanag, at naayos kaagad ang isyu ko. Naramdaman ko rin na iniuuna ninyo ang customer at hindi ang proseso. Napakagandang karanasan sa kabuuan, at talagang nasisiyahan ako sa produkto.

Alam naming hindi eksperto sa eSIM ang lahat at pangunahing prayoridad namin ang pagtiyak na available kami para gabayan at suportahan ka sa iyong journey. Maraming paraan para makontak ang aming support team, kabilang ang sa email, social media, at ang chat function sa app ng Airalo.

Gustung-gusto naming marinig kung paano binago ng Airalo ang iyong karanasan sa pagbiyahe! Bigyan kami ng review sa App Store o Google Play.


Handa ka na bang subukan ang eSIMs at mabago ang paraan kung paano ka nananatiling nakakonekta?

I-download ang Airalo app para bumili, mag-manage, at mag-load sa iyong eSIMs anumang oras, saanman!

Airalo | Download mobile app
Airalo | Use your Free Credit

Gamitin Ang Iyong Libreng Credit.

Puwede kang makakuha ng USD $3.00 na Airmoney sa pamamagitan ng pagbabahagi ng referral code mo sa mga kaibigan.