Ano ang Libreng Welcome eSIM?

Isang pampromosyong alok ang Libreng Welcome eSIM na may kasamang libreng eSIM package para sa mga piling destinasyon. Nilayon ang alok na ito para tulungan ang mga bagong user na makapagsimula sa Airalo at makakonekta gamit ang isang eSIM sa unang pagkakataon.

Sa artikulong ito, makikita mo ang mga sagot sa mga sumusunod na tanong:

  • Sino ang puwedeng makakuha ng Libreng Welcome eSIM?
  • Aling mga destinasyon ang sakop ng Libreng Welcome eSIM?
  • Paano ako makakakuha ng Libreng Welcome eSIM?
  • Paano ko magagamit ang aking Libreng Welcome eSIM?

Sino ang puwedeng gumamit ng Libreng Welcome eSIM?

Para makakuha ng Libreng Welcome eSIM, kailangan mong matugunan ang mga sumusunod na kondisyon:

  • Nakapag-sign up ka para sa isang Airalo account.
  • Hindi ka pa gumawa ng anumang mga pagbili sa Airalo.

Limitado ka sa isang Libreng Welcome eSIM. Kung tumanggap ka ng libreng eSIM para sa isang destinasyon, hindi mo puwedeng samantalahin ang alok para sa isa pang destinasyon.

Karagdagan pa, kung tumanggap ka ng Libreng Welcome eSIM, hindi ka makakapag-apply ng referral code para sa isang diskwento. Puwede ka pa namang patuloy na mag-refer ng mga kaibigan at tumanggap ng Airmoney para sa mga bumili sa Airalo.

Aling mga destinasyon ang sakop ng Libreng Welcome eSIM?

Kasalukuyang available lang ang Libreng Welcome eSIM para sa mga sumusunod na destinasyon:

  • Greece
  • Portugal
  • Spain

Posibleng mag-iba para sa bawat destinasyon ang mga detalye ng package, tulad ng dami ng data na iniaalok o ang panahon ng validity. 

Paano ako makakakuha ng Libreng Welcome eSIM?

Para makakuha ng Libreng Welcome eSIM, kailangan mo ng Airalo account. Puwede kang mag-sign up para sa isang account gamit ang app o website ng Airalo. 

Kapag naka-log in ka na sa iyong account, gawin ang sumusunod:

  1. Pumunta sa Store at i-tap o i-click ang banner na nagsasabing "Paano kunin ang iyong libreng eSIM."
  2. Mag-tap o i-click ang Tingnan ang Mga Valid na Destinasyon.
  3. Piliin ang destinasyon kung saan gusto mo ng coverage.
  4. I-tap o i-click ang BUMILI NA para sa Libreng Welcome eSIM — iyon ang unang eSIM package, kung available.
  5. I-review ang mga detalye ng eSIM pagkatapos ay i-tap o i-click ang BUMILI > KUMPLETUHIN ANG ORDER.

Kapag nakumpleto mo na ang iyong order, magiging available sa iyo ang Libreng Welcome eSIM sa Aking Mga eSIM.

Paano ko gagamitin ang aking Libreng Welcome eSIM?

Para gamitin ang iyong Libreng Welcome eSIM, kailangan mong sundan ang mga tagubilin sa pag-instal at pag-activate. 

  1. Pumunta sa Aking Mga eSIM > Mga Detalye para sa Libreng Welcome eSIM.
  2. I-tap o-click ang Tingnan ang Mga Tagubilin.
  3. Piliin ang iyong gustong paraan ng pag-install — Direkta, QR code, o manual.
  4. Basahin at sundang mabuti ang mga tagubilin — siguraduhing mayroon kang stable na internet connection habang nasa proseso ng pag-install.

Kapag naka-install na ang eSIM mo, sundan ang direksyon para kumonekta sa isang local network sa iyong destinasyon.

Madali mong mata-top up ang iyong Libreng Welcome eSIM kung kailangan mo ng higit pang data. Para sa sunud-sunod na mga tagubilin kung paano mag-top up ng mga eSIM, pakitingnan ang Paano ako magta-top up ng eSIM?

Kung may mga karagdagan kang tanong o kailangan ng anumang tulong, huwag magdalawang-isip na kontakin kami. Available ang support team namin nang 24/7 at palaging masayang makatulong.

Mga nauugnay na tanong

Iba pang mga paksa

Copyright Airalo © 2021
  • x