Bilang user ng Airalo, may opsyon kang ibahagi ang iyong lokasyon sa Airalo — puwede mong i-on at i-off ang mga pahintulot sa lokasyon, kapag gusto mo.
Kapag naka-enable, ginagamit ng Airalo ang lokasyon mo para magbigay ng napapanahon at may-kaugnayang mga mensahe na nagpapaganda sa karanasan mo sa pagbili at paggamit ng mga eSIM. Kapag naka-disable, hinding-hindi ginagamit o sinusubaybayan ng Airalo ang lokasyon mo.
Anong mga notification ang matatanggap ko kapag ibinahagi ko ang aking lokasyon sa Airalo?
Ginagamit ng Airalo ang iyong lokasyon para magpadala ng iba't ibang napapanahon at may kaugnayang mga mensahe, kabilang ang:
-
Mga welcome message – Kapag bumiyahe ka sa isang bagong bansa, magpapadala kami ng mga mensahe para kumpirmahin ang pagdating mo sa iyong destinasyon.
-
Mga pampromosyong offer — Angkop sa mga partikular na rehiyon ang ilan sa mga promosyon namin, posibleng tumanggap ka ng mga diskwento batay sa iyong lokasyon.
-
Mga paalala — Sa mga partikular na travel hub, tulad ng mga airport, magpapadala kami ng mga mensahe para paalalahanan ka na bumili ng eSIM para sa mga paparating na biyahe.
-
Mga support message — Posibleng nauugnay sa iyong lokasyon ang ilang isyu sa support, gagamitin namin ang iyong lokasyon para tulungan kang mapabilis ang pag-troubleshoot.
Pakitandaan, kailangan ng ilan sa mga mensaheng ito na palagi mong ibabahagi ang iyong lokasyon sa Airalo.
Paano ko maibabahagi ang lokasyon ko sa Airalo?
Depende sa device mo, puwede mong piliing ibahagi ang iyong lokasyon sa Airalo sa maraming paraan, nang may maraming level ng mga pahintulot sa lokasyon.
Paano ko maibabahagi ang lokasyon ko sa mga iOS device?
Kapag binuksan mo ang app ng Airalo, posibleng tumanggap ka ng prompt na nagsasabi sa iyong ibahagi ang lokasyon mo.
Para i-enable ang mga pahintulot na ito sa lokasyon para sa mga iOS device, piliin ang opsyong “Allow While Using App”. Hihilingin sa iyo pagkatapos kung gusto mong palaging ibahagi ang iyong lokasyon. Kung gusto mong i-enable ito, piliin ang opsyong “Change to Always Allow”.
Kung hindi mo gustong i-enable ang pagbabahagi ng lokasyon sa mga in-app prompt na ito, puwede mong piliing ibahagi ang iyong lokasyon mula sa mga setting mo sa pamamagitan ng paggawa sa sumusunod:
- Pumunta sa Settings > Airalo > Location.
- Piliin ang “Always” sa ilalim ng “ALLOW LOCATION ACCESS.”
Kung pananatilihin mo ang iyong mga pahintulot sa lokasyon na naka-set sa “While Using the App,” posibleng hindi ka tumanggap ng partikular na mga notification na nakabatay sa lokasyon.
Paano ko ibabahagi ang aking lokasyon sa mga Android device
Kapag binuksan mo ang app ng Airalo, posibleng tumanggap ka ng prompt na nagsasabi sa iyong ibahagi ang lokasyon mo.
Para i-enable ang mga pahintulot na ito sa lokasyon para sa mga Android device, piliin ang opsyong “While using the app”.
Kung hindi mo gustong i-enable ang pagbabahagi ng lokasyon sa mga in-app prompt na ito, puwede mong piliing ibahagi ang iyong lokasyon mula sa mga setting mo sa pamamagitan ng paggawa sa sumusunod:
- Pumunta sa Settings > Apps > Airalo > Permissions > Location.
- Piliin ang “Allow only while using the app.”
Pakitandaan, kasalukuyang hindi binibigyang-daan ng Airalo ang mga user ng Android na palagi nilang ibahagi ang kanilang lokasyon.
Paano ko ihihinto ang pagbabahagi ng lokasyon ko sa Airalo?
Para ihinto ang pagbabahagi ng iyong lokasyon sa Airalo, kailangan mong sundan ang iba't ibang hakbang, depende sa iyong device.
Paano ko ihihinto ang pagbabahagi ng aking lokasyon sa mga iOS device?
Para ihinto ang pagbabahagi ng iyong lokasyon sa mga iOS device, gawin ang sumusunod:
- Pumunta sa Settings > Airalo > Location.
- Piliin ang “Never” sa ilalim ng “ALLOW LOCATION ACCESS.”
Paano ko ihihinto ang pagbabahagi ng aking lokasyon sa mga Android device?
Para huminto sa pagbabahagi ng iyong lokasyon sa mga Android device, pumunta sa Settings > Apps > Airalo > Permissions > Location > Don't allow.
Kung may mga karagdagan ka pang tanong o kailangan ng tulong, huwag magdalawang-isip na kontakin kami. Available ang support team namin nang 24/7 at palaging masayang makatulong.