Kailan ko puwedeng i-install ang aking eSIM?

Para malaman kung kailan mo puwedeng i-install ang eSIM mo, dapat na alam mo ang patakaran sa pag-activate. Karamihan sa mga eSIM ay mag-a-activate lang sa destinasyon kapag nakakonekta na ang mga ito sa suportadong network. Sa kabilang banda, may mga eSIM na mag-a-activate kaagad kapag na-install na ang mga ito, saan man ang lokasyon.

Paano ko malalaman kung kailang mag-a-activate ang eSIM ko?

Kailangan mong tingnan ang patakaran sa pag-activate ng iyong eSIM. Bago bumili:

  • Hanapin ang bansa na gusto mong bilhan ng eSIM
  • Piliin ang eSIM na gusto mo
  • Tingnan ang Karagdagang Impormasyon
  • I-tap ang “Magpakita pa” para mahanap ang Patakaran sa Activation

Pagkatapos bumili:

  • Pumunta sa Aking Mga eSIM> Mga Detalye> Magpakita pa> Patakaran sa Activation

Ang patakaran sa activation ay ang alinman sa mga sumusunod

  • "Magsisimula ang validity period kapag kumonekta ang eSIM sa anumang sinusuportahang (mga) network": Nangangahulugan ito na puwede mong i-install ang eSIm bago magbiyahe nang hindi ito ina-activate. Kapag dumating ka na sa destinasyon, puwede kang kumonekta sa pamamagitan ng pag-on sa iyong eSIM line hangga't nakumpleto ang pag-setup gaya ng ipinayo sa iyong page ng pag-install ng eSIM.
  • "Magsisimula ang validity period sa pag-install": Nangangahulugan ito na maa-activate kaagad-agad ang eSIM mo kapag na-install na, kaya naman, magsisimulang tumakbo ang validity period kahit wala ka pa sa iyong destinasyon.

Kung may mga tanong ka, huwag magdalawang-isip na kontakin ang support

 

Mga nauugnay na tanong

Iba pang mga paksa

Copyright Airalo © 2021
  • x