Paano ako makakaiwas sa mga roaming charge kapag ginagamit ko ang Airalo?

Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit ginagamit ng mga tao ang Airalo ay para maiwasan ang mga roaming charge mula sa kanilang mga pangunahing mobile provider. Matutulungan ka ng sumusunod na impormasyon na maiwasan ang mga roaming charge kapag gumagamit ka ng eSIM sa ibang bansa.

Kailan nangyayari ang mga roaming charge?

Nangyayari ang mga roaming charge kapag bumibiyahe ka sa labas ng coverage area ng mobile plan. You can check with your provider to learn which locations are covered by your plan.

Paano ko maiiwasan ang mga roaming charge?

Kung may aktwal kang SIM card para sa pangunahing plan mo, ang pinakamadaling paraan para maiwasan ang mga roaming charge ay ang pag-alis sa SIM sa iyong device bago bumiyahe sa labas ng coverage area nito. Sa ganitong paraan, hindi makakakonekta ang SIM sa anumang mga network. O kaya naman, maiiwasan mo ang mga roaming charge sa pamamagitan ng pag-adjust sa mga partikular na setting sa iyong device.

Narito ang isang maikling checklist para maiwasan ang mga roaming charge:

  1. I-enable ang airplane mode bago umalis sa iyong coverage area
  2. I-disable ang iyong pangunahing SIM
  3. I-off ang data roaming para sa iyong pangunahing SIM, kung posible
  4. Hadlangan ang paglipat sa mobile data sa iyong device

Bukod pa sa pag-adjust sa mga setting ng device, matutulungan ka ng sumusunod na maiwasan ang hindi gustong mga roaming charge:

  • Check the billing section for your primary mobile provider to see if you're incurring any roaming charges.
  • Subaybayan ang paggamit ng iyong eSIM sa app ng Airalo para masiguro na gumagamit ito ng data.
  • Gumamit ng mga app na tulad ng WhatsApp, Telegram, o Signal para sa mga tawag at message na hindi nangangailangan ng mobile network.

Paano ko mae-enable ang airplane mode?

Sinisiguro ng pag-enable sa airplane mode — o flight mode — na hindi kokonekta ang iyong device sa anumang mobile network. I-on ito bago umalis sa iyong pangunahing coverage area para masiguro na hindi kokonekta ang iyong pangunahing SIM sa anumang mga network sa ibang bansa.

Paano i-enable ang airplane mode sa mga iOS device

  1. Pumunta sa Mga Setting.
  2. I-enable ang Airplane Mode.

Paano i-enable ang airplane mode sa mga Android device

  1. Pumunta sa Mga Setting.

  2. Piliin ang Network at internet.

  3. I-enable ang Airplane mode.

Kailn ko puwedeng i-disable ang Airplane Mode?

Panatilihing naka-enable ang Airplane mode hanggang sa handa ka nang gamitin ang iyong eSIM — siguraduhing naka-disable ang iyong pangunahing SIM, data roaming (kung posible), at cellular data switching.

Paano ko madi-disable ang aking pangunahing SIM?

Ang iyong pangunahing SIM ay ang SIM na ginagamit mo nang regular sa iyong bahay — posibleng eSIM din ito.

Para i-disable ang iyong pangunahing SIM, kailangan mong i-adjust ang ilang setting sa iyong device.

Paano i-disable ang iyong pangunahing SIM sa mga iOS device

1. Pumunta sa Mga setting > Cellular.
2. Piliin ang iyong pangunahing SIM.
3. I-disable ang I-on ang Line na Ito.

Tandaan, Posibleng Mobile Data ang Cellular para sa mga partikular na rehiyon.

Paano i-disable ang iyong pangunahing SIM sa mga Android device

1. Pumunta sa Mga setting > Network at internet > Mga SIM card.
2. I-deactivate ang iyong pangunahing SIM.

How can I turn off data roaming for my primary SIM?

Kapag na-off ang data roaming, masisiguro na hindi gumagamit ang iyong SIM ng data sa labas ng coverage area nito. Puwede mong i-off ang data roaming sa pamamagitan ng pag-adjust ng ilang setting sa iyong device.

Paano i-disable ang data roaming para sa iyong pangunahing SIM sa mga iOS device

1. Pumunta sa Mga setting > Cellular.
2. Piliin ang iyong pangunahing SIM.
3. I-disable ang Data Roaming.

Tandaan, Posibleng Mobile Data ang Cellular para sa mga partikular na rehiyon.

Puwede ko bang i-disable ang data roaming para sa pangunahing SIM ko sa mga Android device?

Sa kasamaang-palad, hindi puwedeng i-disable ng mga user ng Android ang data roaming para sa isang partikular na SIM — angkop ang data roaming sa lahat ng mga SIM na ginagamit.

Dahil kailangan ng data roaming ng ilang eSIM para magamit, kailangan mong siguruhing naka-disable ang pangunahing SIM mo para maiwasan ang mga roaming fee.

Kung hindi kailangang gumamit ng data roaming ang iyong eSIM, puwede mong i-disable ang data roaming sa pamamagitan ng paggawa sa sumusunod:

1. Pumunta sa Mga setting > Network at internet > Mobile network > Roaming
2. I-disable ang roaming.

Paano ko maiiwasan ang mobile data switching?

Kapag iniwasan ang mobile data switching, masisisguro na hindi lilipat ang iyong device sa pagitan ng mga available na SIM para kumonekta sa isang network. Puwede mong i-adjust ang ilang setting para masiguro na ginagamit mo lang ang isang SIM sa isang pagkakataon.

Paano i-diable ang mobile data switching sa iOS

1. Pumunta sa Mga setting > Cellular > Cellular Data
2. Piliin ang iyong biniling eSIM bilang default na data line.
3. I-disable ang Pahintulutan ang Cellular Data Switching.

Paano i-diable ang mobile data switching sa Android

1. Pumunta sa Mga setting > Network at internet > Mga SIM card> Mobile data
2. Piliin ang iyong Airalo eSIM.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o kailangan ng karagdagang impormasyon, puwede mong konatakin ang support team anumang oras. Available kami nang 24/7 at palaging masayang makatulong.

Mga nauugnay na tanong

Iba pang mga paksa

Copyright Airalo © 2021
  • x