Ano ang Loyalty Program ng Airalo?

Binibigyan ng Airalo Loyalty Program ng mga reward ang mga user sa bawat pagbili ng eSIM. Magsisimula ang mga bagong user bilang Travelers, na nakakakuha ng 5% cashback. Puwede silang sumulong sa kanilang posisyon sa loyalty system at ma-unlock ang mga karagdagang benepisyo sa bawat pagbili. Ang pinakamataas na level namakukuha ay ang Platinum Traveler, na nag-aalok ng 10% cashback rate. 

Nake-credit ang mga reward na cashback bilang Airmoney sa mga account ng mga user. Digital currency ang Airmoney na katumbas ng porsyento ng halaga ng transaksyon. Nag-iiba ang halaga ng Airmoney na inia-award depende sa level ng membership ng user sa loyalty program.

Frequently Asked Questions

Ano ang iba’t ibang level ng loyalty program?

  1. Biyahero: Tatangap ang mga bagong user ng 5% Airmoney reward.

  2. Silver Traveler: Kapag gumastos ang isang user ng $20.00 sa USD (o katumbas), tatanggap siya ng 6% Airmoney reward sa bawat pagbili.
  3. Gold Traveler: Kapag gumastos ang isang user ng $70.00 sa USD (o katumbas), tatanggap siya ng 7% Airmoney reward sa bawat pagbili.
  4. Platinum Traveler: Kapag gumastos ang isang user ng $200.00 sa USD (o katumbas), tatanggap siya ng 10% Airmoney reward sa bawat pagbili.

Pakitandaan na awtomatikong nake-credit ang reward na Airmoney sa mga account ng mga user batay sa kanilang mga level ng membership at naaayong mga halaga ng transaksyon. Karagdagan pa, hindi puwedeng ibigay na reward ang Airmoney kung nag-apply ng discount coupon o referral reward sa pagbili. 

Karagdagan pa, itinutumbas ang Airmoney sa dolyar ng United States (USD). Gumagamit ang Airalo ng third-party service para kalkulahin ang mga exchange rate — posibleng mag-iba para sa ibang mga currency ang mga halagang dapat abutin sa bawat level ng membership.

Kailangan bang mag-register para sa loyalty program?

Mandatoryo ang pag-register bilang Airalo user (sa pamamagitan ng app o website) para sumali sa loyalty program. Kapag nakagawa ka na ng account, awtomatiko kang makakakuha ng mga benepisyo batay sa mga transaksyon mo.

Ano ang mga benepisyo ng loyalty program?

Sa pagsali sa loyalty program, puwede mong ma-enjoy ang iba't ibang kalamangan, kabilang ang pagtanggap ng Airmoney bilang cashbach para sa mga transaksyon mo. Nag-iiba ang mga porsyento ng cashback depende sa level ng membership mo.

Binubuo ang programa ng apat na level ng membership: Traveler, Silver Traveler, Gold Traveler, at Platinum Traveler. Nagbibigay ang bawat level ng malinaw na percentage ng cashback: 5%, 6%, 7%, at 10%, nang naaayon. Habang umaakyat ka sa mga level ng membership, puwede mong ma-access ang mga karagdagang benepisyo, tulad ng pag-abot sa mga partikular na kinakailangan sa paggastos at eksklusibong mga promosyon na nagpapabilis sa iyong pagsulong sa susunod na tier ng membership.

Kung mayroon kang anumang mga tanong, mangyaring huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa aming team ng suporta, at ikalulugod naming tumulong!

Mga nauugnay na tanong

Iba pang mga paksa

Copyright Airalo © 2021
  • x