Paano ko ia-update ang currency ko?

Maa-update mo nang madali ang iyong currency ginagamit mo man ang Airalo app, ang isang mobile device, o isang desktop device. 

Airalo app/mobile:

  1. Buksan ang Profile at mag-navigate sa Currency — makikita mong nakalista ang kasalukuyan mong piniling currency (hal. “Currency: United States dollar (USD) $”).
  2. Pindutin para buksan at mag-scroll sa kabuuan ng listahan ng mga currency — puwede mo ring gamitin ang search bar para hanapin ang gusto mong currency.
  3. Piliin ang currency na gusto mong gamitin.
  4. Kumpirmahin na gusto mong i-update ang iyong currency — mako-convert din ang Airmoney balance mo sa bagong currency.

Desktop:

  1. Mag-navigate sa itaas ng webpage — makikita mo ang kasalukuyan mong currency sa itaas ng navigation (hal. "$ USD").
  2. Mag-click sa currency mo para magbukas ng listahan ng currency — puwede kang mag-scroll o mag-hanap para makita ang gusto mong currency.
  3. Piliin ang currency na gusto mong gamitin.
  4. Kumpirmahin na gusto mong i-update ang iyong currency — mako-convert din ang Airmoney balance mo sa bagong currency.

Kapag na-update na, ipapakita ang lahat ng presyo sa pinili mong currency. Karagdagan pa, makikita mo ang iyong Airmoney balance na nakalista sa na-update na currency. Para sa higit pang impormasyon, basahin ang aming artikulo sa help center tungkol sa aling mga currenc ang sinusuportahan ng Airalo.

Puwede ko bang i-update ang currency ko habang bumibili?

Habang ginagamit ang Airalo app o ang isang mobile device, hindi mo magagawang i-update ang iyong currency nang direkta sa proseso ng checkout. Kung magpasiya kang magpalit ng mga currency habang bumibili, kailangan mong mag-navigate pabalik sa Profile para i-update ang currency mo. 

Kapag na-update na, puwede kang bumili ng eSIM package sa iyong gustong currency.

Sa mga desktop device, magiging available sa iyo ang currency selector sa itaas na navigation hanggang sa marating mo ang panghuling stage ng proseso ng checkout. Puwede mong i-update ang iyong currency sa anumang pagkakataon bago mo kumpletuhin ang order mo.

Iko-convert ba ang transaction history ko sa aking na-update na currency?

Hindi, palaging ililista ang mga transaction sa currency na ginamit sa transaksyon. 

Halimbawa — Kung papalitan mo ang currency mo mula USD at gawing EUR, lalabas sa EUR ang mga bagong transaksyon habang mananatiling nasa USD ang mga dating transaksyon. 

Puwede mong tingnan ang lahat ng transaksyon mo sa pagbili sa pamamagitan ng pag-navigate sa Mga Order mula sa iyong profile.

Paano naaapektuhan ang Airmoney kung ia-update ko ang aking currency?

Kung ia-update mo ang iyong currency, iko-convert din ang Airmoney balance mo sa iyong piniling currency. Sa ganitong paraan, madali mong maia-apply ang Airmoney sa anumang mga pagbiling gagawin mo, anupaman ang currency na ginagamit mo.

Pakitandaan, itinutumbas ang Airmoney sa dolyar ng United States (USD). Gumagamit ang Airalo ng third-party service para kalkulahin ang mga exchange rate — kung ia-update mo ang iyong currency, iko-convert ang Airmoney mo batay sa kasalukuyang rate.

Kung nagkakaproblema ka sa pag-update sa currency mo o may anumang mga tanong, kontakin ang aming support team. Palagi naming ikasisiyang tumulong.

Mga nauugnay na tanong

Iba pang mga paksa

Copyright Airalo © 2021
  • x