Puwede kang bumili ng mga package ng eSIM sa Airalo gamit ang maraming currency, na nagpapadali sa paggamit ng mga lokal na paraan ng pagbabayad.
Sa kasalukuyan ng Agosto 2024, sinusuportahan ng Airalo ang mga sumusunod na currency:
- United States dollar (USD) $
- Australian dollar (AUD) $
- Canadian dollar (CAD) $
- Euro (EUR) €
- Pound sterling (GBP) £
Puwede kang magpalit ng mga currency mula sa "Profile" sa mga mobile device at sa app ng Airalo. Sa mga desktop device, puwede kang magpalit ng mga currency mula sa navigation sa itaas. Para sa higit pang impormasyon, basahin ang aming artikulo sa help center tungkol sa paano i-update ang currency mo.
Paano kung hindi mo makita ang gusto kong currency?
Puwede ka pa ring bumili ng mga eSIM package sa Airalo, kahit pa hindi sinusuportahan ang gusto mong currency.
Kung bibili ka gamit ang isang paraan ng pagbabayad na iba sa pinili mong currency, sasailalim ang pagbabayad mo sa rate ng conversion na ginagamit ng iyong bangko o financial institution — puwede ka ring sumailalim sa mga international fee.
Ano ang default currency ko?
Puwedeng magbago ang default na currency na ipinapakita depende sa iyong device o lokasyon.
- Para sa mga mobile device, tutukuyin ang ipinapakitang currency ayon sa locale sa mga setting ng iyong device.
- Para sa mga desktop device, awtomatikong tutukuyin ang ipinapakitang currency batay sa iyong IP address.
Kung naka-sign in ka sa isang Airalo account, ang ipinapakitang currency ay ang huling currency na ginamit o pinili. Halimbawa — kung in-update mo ang currency mo mula USD at ginawang EUR, makikita mo ang EUR sa tuwing mag-sign in ka.
Kung may mga tanong ka tungkol sa mga currency na puwede mong gamitin sa Airalo, kontakin ang aming support team. Palagi naming ikasisiyang tumulong!