Paano ko gagamitin ang voucher ng eSIM sa aking account?

Kapag in-apply, nagdadagdag ang eSIM voucher ng partikular na eSIM package sa iyong account. Pagkatapos, puwede mo itong gamitin na kagaya ng ibang eSIM package na binibili mo. Puwede mong gamitin ang eSIM voucher mo sa iyong account sa ilang madadaling hakbang.

Paano ako mag-a-apply ng eSIM voucher?

Kakailanganin mong naka-sign in sa iyong account para mag-apply ng eSIM voucher.

Kung ginagamit mo ang Airalo app o website sa isang mobile device, sundan ang mga hakbang para mag-apply ng eSIM voucher.

  1. Pumunta sa Profile > Airmoney at Membership.
  2. I-tap ang I-redeem ang Voucher.
  3. Ilagay ang iyon voucher code.
  4. I-tap ang I-redeem.

Kung ginagamit mo ang Airalo website sa isang desktop device, sundan ang mga hakbang para mag-apply ng eSIM voucher.

  1. Mag-click sa iyong profile name sa itaas ng navigation.
  2. Piliin ang Airmoney at Membership.
  3. Mag-click sa I-redeem ang Voucher.
  4. Ilagay ang iyon voucher code.
  5. Mag-click sa I-redeem.

Kapag nakumpleto mo na ang mga hakbang para i-apply ang voucher, makakakita ka ng mensahe na nagsasabing na-redeem ang iyong eSIM voucher. Sa puntong ito puwede mo nang gamitin ang eSIM.

Paano ko magagamit ang eSIM na natanggap ko kasama ng aking voucher?

Kapag naidagdag na ang eSIM sa iyong account, puwede mo itong ma-access sa Aking Mga eSIM

  1. Pumunta sa Aking mga eSIM.
  2. Hanapin ang eSIM na kadadagdag mo pa lang sa iyong account
  3. I-tap ang Mga Detalye.

Makikita mo ang lahat ng mga tagubilin para i-install at gamitin ang iyong eSIM. Sundan ang mga tagubilin para makakonekta.

Kung may iba ka pang mga tanong o kailangan ng tulong, huwag magdalawang-isip na kontakin kami. Available ang support team namin nang 24/7 at palaging masayang makatulong.

Mga nauugnay na tanong

Iba pang mga paksa

Copyright Airalo © 2021
  • x