Nag-report ang ilang user ng Samsung Galaxy S22 ng nalalamang isyu kung saan hindi sila makapag-delete ng profile ng Airalo eSIM para sa device. Nakakainis ang isyung ito, pero huwag mag-alala — may mga available na workaround para tulungan kang i-manage ang mga eSIM mo hanggang sa makapag-release ng software update mula sa Samsung para maayos ang problema. Tumingin ng Mga Software Update. Kung may available na update, paki-download at install ito.
- PUMUNTA sa Mga Setting.
- MAG-SCROLL DOWN at PINDUTIN ang Software update.
- PINDUTIN ANG I-download at i-install.
Mag-alis/Magdagdag ng Pisikal na SIM. Pupuwersahin nito ang SIM manager para mag-reload.
- IPASOK sa butas ang pin na pang-alis ng SIM para i-release ang tray.
- HILAHIN nang dahan-dahan ang tray mula sa slot ng tray.
- SIGURADUHING may pisikal na SIM sa tray.
- IPASOK ang tray sa tray slot.
I-restart ang iyong device. Puwedeng maayos ng simpleng pag-reboot ang anumang mga technical na isyu.
- PINDUTIN nang MATAGAL ang side key at ang volume down button nang magkakasabay.
- PINDUTIN ang I-restart.
- PINDUTIN ulit ang opsyon na I-restart.
I-reset ang mga Setting ng network. Ire-reset nito ang lahat ng setting ng network, kabilang ang Wi-Fi, Mobile data, at Bluetooth.
- PUMUNTA sa Mga Setting.
- MAG-SCROLL DOWN at PINDUTIN ang General management.
- PINDUTIN ang I-reset.
- PINDUTIN ang I-reset ang mga setting ng network.
- PINDUTIN ang I-reset ang mga setting para kumpirmahin.
Kung magpatuloy ang isyu sa pag-delete ng Airalo eSIM pagkatapos gawin ang mga workaround sa itaas, pakikontak ang Samsung o ang iyong carrier, dahil posibleng nauugnay ang isyu sa software ng device. Kung may mga tanong ka, huwag magdalawang-isip na kontakin ang aming support team, at ikasisiya naming tumulong!