Hindi ko ma-scan ang QR Code ko

Kung hindi mo ma-scan ang ibinigay na QR-code, puwede mong i-install ang eSIM sa pamamagitan ng paglalagay ng mga detalye ng pag-install ng eSIM nang manu-mano kung mayroon kang Android device.  Para sa mga iOS device, puwede mong piliin ang Direktang paraan para sa pag-install sa eSIM sa parehong device o ang manual na paraan. Kung gusto mo, puwede kang magpatuloy sa pag-install sa eSIM nang manu-mano sa pamamagitan ng pagsunod sa mga step sa ibaba: Sa iOS:

  1. Pumunta sa tab na Aking mga eSIM para manahap ang iyong mga detalye ng Manu-manong Pag-install sa pamamagitan ng app o sa website.
  2. Pumunta sa Mga Setting sa iyong device
  3. Pumunta sa Cellular/Mobile
  4. Magdagdag ng Cellular/Mobile Plan
  5. Piliin ang Ilagay ang Mga Detalye nang Manu-mano. Hihilingin sa iyo na ipasok ang:
    • SM-DP+ Address
    • Activation Code
    • Confirmation Code (if available)
  1. I-on ang iyong eSIM sa Cellular/Mobile Plan
  2. Piliin ang iyong eSIM para sa Cellular/Mobile data
  3. I-enable ang Data Roaming (Paki-off ang primary line mo para maiwasan ang mga babayaran sa roaming mula sa iyong carrier provider kapag nasa ibang bansa)
  4. Mag-set up ng APN (access point name) sa device mo kung kinakailangan. Kung kailangan ang mga setting ng APN para sa iyong eSIM, makikita mo ang mga detalye ng APN sa mga detalye ng pag-install ng eSIM

Sa Android:

  1. Pumunta sa tab na Aking mga eSIM para manahap ang iyong mga detalye ng Manu-manong Pag-install sa pamamagitan ng app o sa website
  2. Pumunta sa Mga Setting sa iyong device
  3. Pindutin ang Network at Internet
  4. Pindutin ang icon ng Magdagdag sa tabi ng Mobile Network
  5. Pindutin ang Susunod kapag tinanong, “Walang SIM card?”
  6. Pindutin ang Ilagay ang Code nang Manu-mano. Hihilingin sa iyong ilagay ang impormasyon ng QR code (SM-DP+Address) na available sa tab na Manu-manong pag-install sa iyong page ng pag-install ng eSIM.
  7. I-on ang iyong eSIM sa Mobile Network
  8. I-enable ang Mobile data
  9. I-enable ang Data Roaming (Paki-off ang primary line mo para maiwasan ang mga babayaran sa roaming mula sa iyong carrier provider kapag nasa ibang bansa)
  10. Mag-set up ng APN (access point name) sa device mo kung kinakailangan. Kung kailangan ang mga setting ng APN para sa iyong eSIM, makikita mo ang mga detalye ng APN sa mga detalye ng pag-install ng eSIM

Kung may mga tanong ka, huwag magdalawang-isip na kontakin ang support.  

Mga nauugnay na tanong

Iba pang mga paksa

Copyright Airalo © 2021
  • x