Bakit hindi ko mahanap ang aking eSIM kahit sinasabi ng app ng Airalo na na-install na ito?

Kapag nag-install ka ng eSIM, makakakita ka ng confirmation message sa app ng Airalo na na-install ang eSIM mo. Makikita ang mensaheng ito sa mga tagubilin sa pag-install para sa nauugnay na eSIM.

Sa artikulong ito, sasagutin natin ang mga sumusunod na tanong:

  • Bakit hindi ko mahanap ang naka-install na eSIM sa device ko?
  • Paano ko maiiwasang hindi magawang matukoy ang naka-install kong eSIM?
  • Ano ang puwede kong gawin para matukoy ang naka-install kong eSIM?

Bakit hindi ko mahanap ang naka-install na eSIM sa device ko?

Sa ilang situwasyon, posibleng mahirapan kang matukoy ang nauugnay na eSIM sa iyong device. Posibleng mangyari ito sa ilang kadahilanan:

  • May label na hindi mo nakikilala ang nauugnay na eSIM, tulad ng “Personal,” “Secondary,” “Work, o “Travel.”
  • May maraming eSIM na naka-install sa device mo na may magkakatulad na label.
  • Na-delete ang nauugnay na eSIM sa iyong device.

Depende sa dahilan, matutulungan ka ng iba't ibang hakbang na matukoy ang tamang eSIM.

Paano ko maiiwasang hindi magawang matukoy ang naka-install kong eSIM?

Palagi naming inirerekomenda ang pag-label sa iyong eSIM habang ini-install.

  • Pumili ng walang-katulad na pangalan na madaling matukoy tulad ng bansa o rehiyon para sa eSIM (hal. “France” o “Europe”).
  • Sa ilang pagkakataon, kapaki-pakinabang ang pagsasama sa bansa o rehiyong covered ng eSIM sa label.
  • Karagdagan pa, huwag i-delete ang iyong eSIM hanggang siguradong-sigurado ka nang hindi mo na ito gagamitin.

Ano ang puwede kong gawin para matukoy ang naka-install kong eSIM?

Para matukoy ang naka-install na eSIM, kailangan mong malaman ang ICCID ng nauugnay na eSIM.

Ang isang ICCID, o Integrated Circuit Card Identifier, ay isang natatanging identifier na naka-assign sa bawat eSIM. Binubuo ito ng 18-22 digit. Para mahanap ang ICCID ng nauugnay na eSIM, gawin ang sumusunod:

  1. Pumunta sa Aking mga eSIM sa app ng Airalo.

  2. Mag-navigate sa nauugnay na eSIM.

  3. Hanapin ang "ICCID" at ang nauugnay na numerong nakalista sa eSIM.

Puwede mo ring makita at kopyahin ang ICCID mula saMGA DETALYE ng nauugnay na eSIM.

Kapag nakita mo na ang ICCID, kailangan mong ikumpara ang numero sa mga eSIM na naka-install sa iyong device. Pakitandaan, kailangang i-on ang nauugnay na eSIM para makita ang ICCID sa iyong mga setting, anopaman ang iyong device.

Para sa mga iOS device:

Pumunta sa Mga Setting > Pangkalahatan > Tungkol dito at mag-scroll hanggang sa makita mo ang aktibong mga eSIM.

Para sa mga Samsung device:

Pumunta sa Mga Setting > Tungkol sa telepono/device > Status/phone identity > Network > SIM card at hanapin ang mga detalye ng ICCID.

Para sa ma Pixel device:

Pumunta sa Settings > About Phone > SIM Status at hanapin ang mga detalye ng ICCID.

Kung marami kang eSIM sa iyong device, posibleng kailangan mong i-on nang manual ang bawat eSIM at ulitin ang mga hakbang hanggang sa makita mo ang eSIM na tumutugma sa ICCID.

Kung hindi mo pa rin makita ang tumutugmang ICCID, posibleng na-delete ang nauugnay na eSIM sa iyong device. O kaya, posibleng nakaranas ka ng mga isyu na nakasagabal sa proseso ng pag-install. Sa alinmang situwasyon, pakikontak ang aming support team para sa tulong.

Kung may mga natitira ka pang tanong o kailangan pa ng tulong, available ang support team namin ng 24/7 — palagi kaming masayang makatulong.

Mga nauugnay na tanong

Iba pang mga paksa

Copyright Airalo © 2021
  • x