Nararanasan ko ang error na “Hindi na valid ang code na ito”

Makikita ang error message na ito kapag sinusubukan mong magdagdag ng eSIM na naidagdag na dati, o partial na na-scan ang QR-code dahil sa hindi magandang koneksyon.

Para makumpirma kung na-isntall ang eSIM o hindi, magpatuloy tulad ng sumusunod:

  • Pumunta sa Mga Setting
  • Pumunta sa Pangkalahatan
  • Pindutin ang Tungkol Dito at mag-scroll pababa

Kung naka-install ang eSIM at naka-on, dapat mong makita ang ICCID [NUMBER] + karagdagang digit hanggat naka-“ON” ang eSIM line sa iyong Mga Cellular Plan.

Pakitandaan na kung sakaling inalis ang eSIM at sinubukan mong i-install ito ulit, hindi ito posibleng gawin!

Sa kabilang banda, kung ini-install mo ang eSIM sa unang pagkakataon, posibleng ang error message na ito ay dahil sa hindi magandang koneksyon, naka-enable na VPN, o masyadong maraming eSIM na naka-install sa device.

Pakisundan ang mga hakbang sa ibaba para ma-install ang eSIM mo:

  1. I-disable ang anumang VPN
  2. Siguraduhing may maganda at stable kang koneksyon ng internet 
  3. Alisin ang anumang mga eSIM na hindi mo na gagamitin
  4. Tingnan kung updated ang software sa pinakabagong version 
  5. Subukang mag-install ng eSIM sa ibang paraan ng pag-install kumpara sa dati

Kung kailangan mo ng tulong, pakikontak kami. 

Mga nauugnay na tanong

Iba pang mga paksa

Copyright Airalo © 2021
  • x