Paano ko titingnan kung sinusuportahan ng iOS device ko ang eSIM?

Kung ang isang device ay eSIM-compatible ay depende sa kung ang manufacturer ay may kasamang eSIM. Kaya naman mayroon kaming listahan ng eSIM-compatible device para sa madaling pagsuri.

Sa ilang bansa at rehiyon, posibleng may mga model na na-release nang walang eSIM capability. O kaya ay posibleng walang naka-enable na feature ng eSIM sa carrier na binilhan mo ng iyong device.

Sundan ang mga hakbang na ito para tingnan kung sinsuportahan ng iOS device mo ang eSIM technology. Pakitandaan na posibleng angkop o hindi ang mga hakbang na ito sa iyong device. Ang pinakamahusay pa ring paraan para makumpirma ang eSIM capability ay sa pamamagitan ng manufacturer, vendor, o primary carrier.

Para sa iPhone:

  1. BUKSAN ang app na Mga setting, pagkatapos ay PINDUTIN ang General.
  2. PINDUTIN ang About.
  3. PINDUTIN ang Model Number hanggang sa maging AXXXX combination ito.
  4. I-VERIFY na ang Model Number ng iPhone mo ay hindi nagmula sa isang rehiyon ng China. Ang impormasyon ay matatagpuan sa link na ito .

Kung hindi tumutugma ang model number sa anumang China mainland, Hong Kong, at Macao na mga device, eSIM-compatible dapat ang device mo. Susunod, alamin kung naka-lock o naka-unlock sa carrier ang iPhone mo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang sa ibaba.

  1. BUKSAN ang app na Mga setting, pagkatapos ay PINDUTIN ang General.
  2. PINDUTIN ang About.
  3. MAG-SCROLL at hanapin ang field na Carrier Lock. Naka-unlock ang iPhone mo kung makikita ang No SIM restrictions sa tabi ng Carrier Lock.

Para sa iPad:

  1. BUKSAN ang app na Mga setting, pagkatapos ay PINDUTIN ang General.
  2. PINDUTIN ang About.
  3. PINDUTIN ang Model Number hanggang sa maging AXXXX combination ito.
  4. I-VERIFY na ang Model Number ng iPad mo ay hindi nagmula sa isang rehiyon ng China. Makikita ang impormasyon sa link na ito.

Kung ang numero ng modelo ay hindi tumutugma sa alinman sa mga variant ng China mainland, Hong Kong, at Macao, dapat na eSIM-compatible ang iyong device hangga't sinusuportahan nito ang cellular functionality.

Huwag kalimutang tingnan sa iyong device manufacturer, vendor, o primary carrier para kumpirmahin ang eSIM capability kung hindi ka pa rin sigurado. 

Kung mayroon kang anumang mga tanong, mangyaring huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa aming team ng suporta, at ikalulugod naming tumulong!

Mga nauugnay na tanong

Iba pang mga paksa

Copyright Airalo © 2021
  • x