Paano ako magtatakda ng limit sa data sa aking Android device?

Kapag nagtakda ng limit sa mobile data sa iyong Android device, makakatulong ito na mabawasan ang paggamit mo ng data. Puwede mong piliin ang billing cycle, idagdag ang data limit, magtakda ng babala bago maabot ang limit, at marami pa. Sundan ang mga hakbang na ito para malaman kung paano i-set ang iyong limit sa mobile data. Para sa mga Samsung Galaxy device:

  1. BUKSAN ang app na Mga setting, pagkatapos ay PINDUTIN angMga koneksyon.
  2. PINDUTIN ang Paggamit ng Data.
  3. TIYAKIN na NAKA-ON ang Mobile Data, pagkatapos ay PINDUTIN ang Billing cycle at babala sa data.
  4. PINDUTIN ang Simulan ang billing cycle at ITAKDA ang petsa batay sa iyong pagdating sa pupuntahang bansa.
  5. I-ENABLE ang Itakda ang babala sa data at tukuyin ang babala sa data sa mga numero. Halimbawa, kung may 10 GB ang eSIM package mo, puwede kang magtakda ng babala sa data sa 8 GB.
  6. I-ENABLE ang Itakda ang limit sa data at tukuyin ang limit sa data sa mga numero. Io-off ng opsyong ito ang mobile data kapag naabot mo na ang tinukoy na limit.

Para sa mga Google Pixel device:

  1. BUKSAN ang app na Mga setting, pagkatapos ay PINDUTIN ang Network at Internet.
  2. PINDUTIN ang Mga eSIM.
  3. TIYAKIN na NAKA-ON ang Mobile Data, pagkatapos ay PINDUTIN ang Babala sa data at limit.
  4. PINDUTIN ang Cycle ng paggamit ng mobile data at ITAKDA ang petsa batay sa iyong pagdating sa pupuntahang bansa.
  5. I-ENABLE ang Itakda ang babala sa data at tukuyin ang babala sa data sa mga numero. Halimbawa, kung may 10 GB ang eSIM package mo, puwede kang magtakda ng babala sa data sa 8 GB.
  6. I-ENABLE ang Itakda ang limit sa data at tukuyin ang limit sa data sa mga numero. Io-off ng opsyong ito ang mobile data kapag naabot mo na ang tinukoy na limit.

Kung may mga tanong ka, huwag magdalawang-isip na kontakin ang aming support team, at matutuwa kaming tumulong!

Mga nauugnay na tanong

Iba pang mga paksa

Copyright Airalo © 2021
  • x