Oo, puwede mong gamitin ang personal na hotspot mo gamit ang eSIM mo hangga’t sinusuportahan ito ng device at network mo.
Sa iOS:
- Pumunta sa Mga Setting
- Personal na Hotspot
- I-toggle ang “Pahintulutan ang Iba na Sumali”
Pumunta sa page ng installation ng eSIM mo para tingnan kung kailangan ang APN. Kung sakaling kailangan ng eSIM na i-set nang manu-mano ang APN, kailangan mong gawin din iyon para sa APN ng hotspot gaya ng sumusunod:
- Pumunta sa Mga Setting sa iyong device
- Pumunta sa Cellular/Mobile Data
- Pumunta sa iyong eSIM sa Mga Cellular/Mobile Data Plan
- Pumunta sa Cellular/Mobile Data Network
- Sa field na APN ng Personal na Hotspot, i-type ang APN katulad ng nakasulat sa mga detalye ng pag-install ng eSIM (lower case lahat, isang salita lahat)
- Iwanang blangko agn Username at password
On Android:
Para i-on ang hotspot ng device mo, pakisundan ang mga sumusunod na hakbang:
- Mag-set ng APN bago i-enable ang Hotspot at tethering
- Mula Home screen, pumunta sa Mga Setting sa device mo (hilahin pababa ang notification bar at pindutin ang hugis gear na button ng Mga setting)
- Pumunta sa Network at Internet
- I-tap ang "Hotspot at pag-tether.”
- Pindutin ang "Wi-Fi hotspot" at i-on ang "Wi-Fi hotspot.”
Kung may mga tanong ka, huwag magdalawang-isip na kontakin ang support.