Ine-enable ang Low Data Mode
Puwedeng i-enable ng mga Apple user na may iOS 13 at mas bago ang Low Data Mode para limitahan at tipirin ang cellular data. Available ang Low Data mode para sa cellular at Wi-Fi, at puwede mong i-activate ang mga ito nang magkakahiwalay.
Sundan ang mga hakbang na ito para makapagsimula, at palaging isipin na posibleng may ibang mga setting ng Low Data Mode ang iyong carrier.
- PUMUNTA sa Mga setting at I-TAP ang Cellular o Mobile Data.
- PINDUTIN ang iyong guston SIM.
- PINDUTIN ang Data Mode.
- I-ENABLE ang Low Data Mode.
Hindi pagpapagana ng Wi-Fi Assist at iCloud Backup
Posibleng i-enable bilang default ang Wi-Fi Assist at iCloud Backup. Kung hindi mo gustong manatiling konektado sa internet ang iyong iOS device kapag mahina ang Wi-Fi connection mo, puwede mong i-disable ang Wi-Fi Assist. Gayundin, puwedeng makatulong ang pag-disable sa iCloud Backup para ma-minimize ang iyong paggamit ng data.
- PUMUNTA sa Mga setting at I-TAP ang Cellular o Mobile Data.
- MAG-SCROLL pababa at I-DISABLE ANG Wi-Fi Assist at iCloud Backup.
Kung may mga tanong ka, huwag magdalawang-isip na kontakin ang aming support team, at matutuwa kaming tumulong!