Paano ko papalitan ang label ng eSIM ko?

Pinapahintulutan ka ng karamihan sa mga telepono na mag-store ng maraming profile ng eSIM at lumipat sa pagitan ng mga ito kung kailangan.

Habang nag-i-install ng eSIM, awtomatikong naglalagay ang iyong device ng label sa bagong eSIM mo. Pagkatapos, puwede kang pumunta sa mga setting ng device at palitan ito.

Inirerekomenda namin ang pagpili ng pangalan na madaling matukoy ang eSIM (hal. Italy eSIM o Airalo eSIM). 

Sundan ang mga hakbang na ito para magpalit ng label ng eSIM sa iyong iOS o Android na device.

Mga iOS Device

  1. PUMUNTA sa Mga Setting.
  2. PINDUTIN ang Cellular o Mobile.
  3. Sa ilalim ng Mga SIM, PINDUTIN ang eSIM na gusto mong i-edit.
  4. PINDUTIN ang Cellular o Label ng Mobile Plan.
  5. PINDUTIN ang default na label ng eSIM.
  6. PALITAN ANG PANGALAN nito sa Custom Label na field.

Mga Samsung Galaxy Device

  1. PUMUNTA sa Mga Setting.
  2. PINDUTIN ang Mga koneksyon.
  3. PINDUTIN ang Manager ng SIM card.
  4. PINDUTIN ang profile ng eSIM na gusto mong i-edit.
  5. PALITAN ANG PANGALAN ng eSIM.
  6. PINDUTIN ang Tapos na kapag napalita mo na ang pangalan ng eSIM.

Mga Google Pixel Device

  1. PUMUNTA sa Mga Setting.
  2. PINDUTIN ang Network at Internet.
  3. PINDUTIN ang Mga SIM at piliin ang gustong eSIM na gusto mong i-edit.
  4. PINDUTIN ang lapis na simbolo.
  5. PALITAN ANG PANGALAN ng eSIM (puwede mo ring baguhin ang kulay ng label).
  6. PINDUTIN ang I-Save kapag napalitan mo na ang pangalan ng eSIM.

Napalitan na dapat ngayon ang pangalan ng iyong eSIM sa iyong device. Kung magbabago ang isip mo, huwag mag-alala — puwede mong i-edit ang label ng eSIM nang maraming beses hangga't gusto mo.

Kung may mga tanong ka, huwag magdalawang-isip na kontakin ang aming support team, at matutuwa kaming tumulong.

Mga nauugnay na tanong

Iba pang mga paksa

Copyright Airalo © 2021
  • x